[Eve's POV]
Mag-aalas kwatro na nung natapos ako sa duty. May maliit na locker na binigay sa akin si Hera at sinabihan niya rin akong pwede kong gamitin ang private shower ng factory kaya naman agad akong nakapagbihis.
It's my first time working in the factory. Sobrang init at nakakapagod pero mabuti na iyun, parte na rin ng warm-up exercise ko.
Malayo pa ako sa entrance ng Lighthouse ay humaharentado na ang dibdib ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung itutuloy ko pa ba pero diretso pa rin ang lakad ko kahit na merong hesitasyon.
Nanginginig ang kamay na tinulak ko ang pinto at agad akong napayuko dahil sa nakakabinging ingay na nagmumula sa mga estudyante.
Isasara ko na sana ang pinto pero narinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Elcid.
"Eve, pasok ka!" Mabilis kong binitawan ang pinto at dire-diretsong naglakad papasok nang nakayuko.
"Himala, hindi ka nakalaro kahapon ah!" Malapad ang ngiting tinapik niya ako sa balikat. Kaedad lang ni Sir Elcid si Dad at si Sir Alaric naman ay medyo bata pa kung ikukumpara rito.
Matipuno ang pangangatawan ni Sir Elcid, puti na ang iilan ang buhok nito sa baba at tuwing ngumingiti siya ay hindi na kita ang mga mata dahil sa pagka-tsino niya.
"S-si Sir Caleb?" Tanong ko sabay lunok. Halos hindi ko matingnan sa mukha si Sir Elcid dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.
"Ayun oh!" I followed with my eyes to where his index finger is pointing at. I unconsciously took a step back when I saw the side of his face. His eyes were intense as he stared at the bowling alley. Umiigting ang panga niyang sobrang nakadepina habang nakikinig sa kung anong sinasabi ng isang player.
He's really the opposite of Jacob. Even from afar, I could sense how dangerous he is, hindi dahil sa seryosong mukha niya kundi mismo sa kanyang mga tingin. His stares were lethal and firm, ready to dominate against anyone. Ang maugat at matipuno niyang mga braso ay nakakatakot din, parang sa maliit na haplos ay maaari kang magkasugat at magkapasa.
Nang matapos na sila sa pag-uusap ay humarap si Sir Caleb sa aming direksyon. Napakurap ako at napalunok, mabilis na iniwas ang tingin dahil sa ekspresyon niyang hindi ko mabasa.
Ang awkward, ano na ang gagawin ko?
Agad akong napahingal nung marinig ang lumalapit niyang mga hakbang. Parang pinagsisisihan ko kung bakit ko pa naisipang bumalik dito.
Akala ko kaya ko, akala ko kaya ko siyang harapin at ipamukha sa kanya na hindi niya ako basta-bastang mapapatigil sa paglalaro... nagkamali pala ako.
"Where do you want to play?" He asked, almost breathless. Mahina iyun, hindi tulad ng inaasahan ko na pasinghal.
"K-kahit saan," pabulong na sagot ko na alam kong hindi niya narinig. Gusto kong ulitin at lakasan ang aking boses pero parang may bumabara sa lalamunan ko na kahit paglunok ay mahirap gawin.
"Maiwan ko na muna kayo, Sir." Tinapik muli ni Sir Elcid ang balikat ko bago umalis at sinalubong ang isang kliyente sa entrance.
Agad akong napaatras nung sinubukan ni Sir Caleb na lumapit sa akin. Batid kong nagulat siya sa inasta ko.
"I didn't hear what you said, Eve." Bakas ang iritasyon sa boses niya.
"Ah, k-kahit saan lang po... Sir." Malakas na pagkakasabi ko at halatang nanginginig pa. Sinubukan kong maging matapang at tumingin sa mukha niya pero mabilis lang iyun dahil sa bahagyang pagtaas ng kilay niya.
I immediately went to the nearest alley that I could find available. My posture was stiff and my face was full of doubt, conscious on what should I do next.
Kumuha ako ng bola at walang pasabing pinadulas iyun. Dalawang pins ang natira na nagbigay sa akin ng kaba dahil sa presensya ni Sir Caleb na tiyak kong nagmamasid.
Kagat ang labing hinarap ko siya at titig na titig ito sa mga pins. Nakakunot ang noo at bakas ang inip sa kanyang mukha.
I gritted my teeth before taking another ball to play with. Parang gusto kong liparin ang alley at ihagis ang natirang pin. I was so close!
Shit, where are your calculations, Eve? Stupid!
Sa buong laro ay nagtaka ako dahil ni isang strike ay wala akong ginawa. Para akong naiiyak lalo na dahil tumigil ang mga estudyante sa likuran ko mula sa paglalaro ng billiards para mapanood ako.
Mahigpit akong napahawak sa magkabilang dulo ng aking damit para pigilan ang panginginig.
Bago umulit ng isang round ay lumapit ako sa powder area para lagyan ng pulbo ang aking mga kamay. Parang lumilipad ang utak ko na hindi ko namamalayang ilang minuto na akong nakatulala sa mga kamay kong nakababad sa pulbo.
Kung hindi ko narinig ang pagsinghap ng nasa likuran ko ay mananatili akong ganoon.
Sumulyap ako sa gilid at naramdaman si Sir Caleb na nananatiling nakahalukipkip. Nakasunod ang mga titig nito sa akin dahilan para manghina ang mga tuhod ko.
I hate how he stare at me. I hate the feeling of being judge by my every move, as if it's illegal to breathe the same air with him.
I squated in front of the ball holders. Huminga ako nang napakalalim bago hinila ang isa sa mga bola. I held the ball with my both hands, trying to calm myself before releasing it... but I just can't do it.
Habang nakatitig ako sa mga pins ay hindi ko maiwasang mataranta dahil sa kahit anong subok kong mag-concentrate para i-execute ang tamang speed at power ay hindi ko magawa.
It feels like everything I'll try to do will not end up in a strike. Parang may bumubulong sa akin na kahit anong paghihirap ko, iiwasan pa rin ng bola ang mga pins.
Why? Why am I... doubting myself? Why should I... when I've achieved so much more? Why do I feel like... I don't know how to play anymore?
Nanghihinang binitawan ko ang bola at mabagal itong nagpagulong hanggang sa tumigil ito sa gitna ng alley.
Paulit-ulit akong huminga nang malalim dahil sa pagkahingal kahit wala naman akong ginawa para mawalan ng hininga.
Why do I feel like... I've been chased my entire life?
Nanginginig ang labi at nangingilid ang mga luhang hinarap ko si Sir Caleb. Tinaasan niya ako ng kilay lalo na nung lumapit ako sa kanya.
"I can't... I-i don't..." Napakagat ako ng labi dahil hindi ko maituwid ang pagsasalita. Parang konting tulak na lang ay hahagulgol na ako sa harap niya dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.
Mariin akong pumikit at kinuyom ang mga palad bago sumigaw. "I want to be better!"