Supposed to be, nagma-marathon siya ngayon ng K-Drama. Ang kaso, ang napaka-insensitive niyang boss na si Ms. Estacio, binalaan ang kung sino man sa team nito ang hindi sasama ngayon. Kesyo kailangan daw nilang pabanguhin ang pangalan ng kanilang team sa bago nilang presidente. Kaya naman, kasalukuyan siyang patingin-tingin na lang kina Vince at Angel na masayang nagku-kwentuhan na akala mo ay nasa dinner date ang mga ito. Pasimple niya pa ngang tinignan ang ilalim ng mesa kung magkahawak-kamay ba ang dalawa eh. Pero nang makita niyang hindi naman, ay nakahinga siya ng maluwag. Dinagdagan pa ng balahura niyang kaibigan ang inis niya dahil nililimitahan nito ang tagay niya. Kesyo baka magwala na naman daw siya o di kaya’y mawala na lang bigla. Kulang na lang sabihin nito sa kanyang juice

