Nanlaki ang mata ni Ana sa nakita habang nasa loob siya ng CR. She went there to apply some make-up dahil hindi nga pala siya nakapaglagay kaninang umaga dahil sa pagmamadali niya. Laking gulat niya nang makita ang dalawang medium-sized na pasa sa kanyang leeg. What the heck are these? Nagulat pa siya lalo nang biglang kumalabog ang pintuan ng CR. “Ana! Tagal ka pa ba riyan? Natatae na ‘ko!” sigaw ng kaibigan niya sa labas ng banyo. I-broadcast daw ba talaga sa lahat na natatae ito? Sinuot niyang muli ang hood bago binuksan ang pintuan ng CR. Mabuti na lang pala talaga at nagsakit-sakitan siya at nagsuot ng hoodie instead of her usual blouses. Kun’di, makikita ng lahat ang mga pasa sa leeg niya nang wala siyang kamalay-malay. Bakit ba kasi hindi niya nagawang tumingin man l

