Nakasadlak na siya sa pwesto niya pero ramdam pa rin ni Ana ang panghihina niya. Dalawang buong araw siyang nakahandusay lang sa higaan pero gano’n pa rin ang pagod niya. Ni pagkuha ng kape ay gusto na sana niyang ipasuyo sa katrabaho. I should have taken a leave. Pakiramdam niya tuloy ay may sakit siya. Tamad na tamad siyang bumangon kanina. Hindi na nga niya napatuyo at nalagyan ng style ang buhok niya. Isa pa’y wala siya sa mood magmaganda. Kaya naman nakuntento lang siya sa maong na pantalon at makapal na hoodie sweat shirt na kulay pink. Suot-suot pa niya ang cute na hood nitong may disenyo ng tenga ng pusa. Lamig na lamig nga kasi siya. Nangibabaw na sa opisina nila ang amoy ng brewed coffee ng mga katrabaho niya kaya naman pinilit niyang buhatin ang sarili at mabigat sa loob na

