It’s past 1 o’clock in the morning, and this is the first time Vince went home that late. Hindi niya alam kung bakit gano’n na lang ang pagkulo ng dugo niya sa inasal ni Ayana kanina. Naramdaman niyang gusto na niyang manakit no’ng mga sandaling ‘yon. It was painful to see her in the arms of another man, kaya mas lalo siyang nawala sa sarili nang makitang hinagkan ng kasayaw nito ang leeg nito. Nagdilim ang paningin niya nang makitang hinalikan pa mismo nito sa pisngi ang lalaking kasayaw. Napuno ng galit ang puso niya kaya hindi na niya alam ang sumunod na nangyari. Naramdaman niyang gusto niyang maghiganti, maybe that’s why he unconsciously utilized the lips of the innocent woman whom he was dancing with at that time. Huli na nang mapagtanto niya ang ginawa. Napuno na ng

