Pakiramdam niya ay may pumatak na luha sa mata niya nang makitang magkalapat ang labi nina Vince at Angel. Agad siyang bumitaw sa kasayaw at bahagya pang tinulak ito. Nabibingi na siya sa hiyawan kaya naman tumakbo siya palabas ng events place at mabilis na pumara ng taxi. Hindi na niya mapigilang umiyak sa loob pagkasakay niya. Nasasaktan siya dahil sa na-realize na niya kung anong totoong nararamdaman niya. Hindi niya matanggap sa sariling tuluyan na siyang nahulog kay Vince na pag-aari na ng iba. Ayaw man niyang aminin sa sarili niya, pero nag-assume siyang gusto rin siya ni Vince. Because of that damn kiss! At paano na si Juluis? Ngayong nasisigurado na niya kung anong nararamdaman niya. Kakayanin niya pa rin bang magpanggap na isang mapagmahal na nobya rito, matapos ni

