CHAPTER TEN

3250 Words

SALUBONG ANG kilay ni Carila ng hindi makita ang bagong sekretarya ni Shilo. Hindi ba dapat ay nandoon ang dalaga. Lumapit siya kay Karen. “Karen, nasaan si Maze?” Tumingin si Karen sa pwesto ni Maze. “Mukhang nasa itaas naman siya.” “Nasa itaas?” Salubong ang kilay na tanong niya. “Nasa roof top. Doon iyon lagi kapag napapagalitan ni Sir Shilo. Nagalit na naman kasi ang boss namin. Tinamaan na naman si Maze ng apoy kanina.” Bakas sa mukha ni Karen ang sempatya kay Maze. Hindi pinansin ni Carila ang sinabi ni Karen na pinagalitan ni Shilo si Maze at mas tumatak sa isipan niya ay ang sinabi nitong nasa roof top si Maze. Hindi ba at tanging siya lang ang empleyado na binigyan ni Shilo ng access doon. Paano nagkaroon ng access si Maze doon? “May problema ba, Carila?” nagtatakang tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD