KANINA pa hindi mapalagay si Carila. Wala siyang idea kung saan ba sila pupunta ni Shan. Tahimik lang siya at hindi kinikibo ang binata. Ano naman kasi ang sasabihin niya? At saka, hanggang ngayon ay galit siya dito. Sa pagbabanta nito sa kanya para lang masunod ang gusto nito. Alam nitong mahina siya kaya ang lakas ng loob na gawin iyon sa kanya. Naka-usap niya kanina si Jas at nag-isip agad ito ng paraan para makawa siya sa kamay ni Shan. Kailangan niyang kumuha ng impormasyon na maaaring ipanglaban kay Shan. Kailangan niyang sakyan ang gusto ng lalaking ito para malaman niya lahat ng bahong tinatago. Kung ginagamit ito ang pagkatao ni Jas para hawakan siya sa leeg ay iyon din ang gagawin nila. Sa ngayon ay kailangan niyang manatili bilang nobya ni Shan. Sisiguraduhin niyang hindi tatag

