CARILA keeps looking outside that restaurant. Hinihintay niya ang lalaking dahilan kung bakit siya nadoon sa lugar na iyon. Nasa ilalim ng table ang kamay niya at halos magkasugat na iyon sa pagkutkut ng kuko niya. She also bites her lips from time to time. Hindi niya alam kung ilang minuto na ba siyang naghihintay doon. Muntik ng mapatili si Carila ng maramdaman niya ang paggalaw ng kung ano sa bag na nakapatong sa isang upuan. Agad niya iyon kinuha at hinanap ang phone na naka-silent mode ng mga sandaling iyon. Nakita niya ang pangalan ni Jas ng buksan niya ang phone. Agad niyang binasa ang text ng kaibigan. ‘Kumalma ka lang, Rila. Nasa malapit lang ako. Hindi ako makakapayag na gawan ka niya ulit ng masama.’ Napalingon siya sa paligid pagkatapos basahin ang mensahe ng kaibigan. Pasim

