Minamaneho ni Warren ang kanyang kotse kasama si Jennica na nakaupo naman sa passenger seat. Binabaybay nila ang daan papunta sa bahay ng una. Panaka-nakang tinitingnan ni Warren ang kasintahan saka ngingiti. Nakatingin naman si Jennica sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang ganda ng paligid. Masaya si Warren na kasama ngayon ang kasintahan. Parehas silang walang pasok ngayon sa trabaho kaya naman nagkaroon sila ng oras para magkasarilinan. Lumipas ang halos isang oras at narating na nila ang bahay. Inihinto ni Warren ang kotse sa loob ng bakuran. Tinanggal nito ang nakabalot na seatbelt sa katawan at dali-daling lumabas ng kotse para pagbuksan ng pinto si Jennica. Nagtanggal na din ng seatbelt si Jennica. Napangiti naman si Jennica ng bumaba siya ng kotse. Tiningnan nito si Warren.

