Naglalagablab ang bawat haplos. Nakakadarang ang bawat palitan ng kanilang mga halik. Kapwa ipinaparamdam sa isa’t-isa ang sarap ng kanilang mga labi. Mas lalong umiinit hindi lamang ang kanilang mga pakiramdam pati na rin ang buong paligid. Sandali silang tumigil sa paghahalikan. Tumitig si Yale sa mga mata ni Warson at gayundin ang huli. Kitang-kita sa kanilang mga namumungay na mata ang pagnanasa sa isa’t-isa. Bumaba ang tingin ni Yale sa mapulang labi ni Warson kaya naman nakagat ni Warson ang labi nito. Itinaas ni Yale ang dalawang palad at inihawak ito sa magkabilang pisngi ni Warson. Ramdam niya ang kakinisan nito. Unti-unting lumapit muli ang mukha ni Yale. Napapikit naman ng mga mata si Warson. At sa isang iglap, muling nagdampi ang kanilang mga nag-iinit na labi. Napakasarap

