CHAPTER 68

2136 Words

Alas-otso na ng umaga. Nasa hapag-kainan sila Warson at Yale. Nakahain sa mesa ang mga pagkaing almusal na niluto ng huli. Maagang umalis si Warren dahil sa trabaho kaya sila lamang dalawa ang nagsasalo ngayon. Kanina pa tulala si Warson. Gamit ang kutsarang hawak ng kanang kamay nito ay pinaglalaruan lamang niya ang pagkaing nasa plato niya. Napatigil naman sa pagkain si Yale at tiningnan si Warson. Kanina pa niya napapansin ang pagiging wala nito sa sarili at tila pagiging balisa. Ngayon ang unang araw ng pasok sa trabaho pero sa halip na excitement ang nakikita niya sa mukha nito ay kabaligtaran ang napapansin niya. Hindi maiwasan ni Yale na mag-alala para kay Warson dahil pakiramdam niya ay may mali sa binata. Dahan-dahang iilapag ni Yale ang hawak niyang kutsara at tinidor sa plato

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD