Nasa sala ngayon sila Warren at Yale. Umiinom sila ng alak na sinasabayan nang pagpapak ng pulutang mani na nakahain sa mesang nasa gitna nila. Malalim na ang gabi at dahil ngayon lamang muli nagkasama ang magkaibigan dahil sa pagiging abala sa trabaho ay kinuha na nila ang pagkakataong ito para mag-inuman at makapagkwentuhan na rin. Tumingin si Yale kay Warren. Napangisi ito. “Hindi talaga ako makapaniwala, Pare. May girlfriend ka na ba talaga?” pagtatanonga ni Yale sa kaibigan. Naikwento na ni Warren sa kanya na may girlfriend na siya na naging dahilan para matahimik ang dalawa. Ningisihan ni Warren si Yale. “Bakit parang ayaw mong maniwala?” tanong niya. Tumawa naman si Yale. “Natural lang sa akin ang magduda, Pare. Kilala kita at alam ko na hindi mo trip ang seryosong pakikipagrela

