Sumapit ang umaga. Maliwanag na sa labas dahil tirik na tirik na si haring araw. Mas naunang magising si Warson kaya naman malaya niyang napagmamasdan ang mukha nang natutulog pa rin ng mahimbing na si Warren. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang nangingiti siya. Sa ganitong pagkakataon na lamang niya nagagawa ang matitigan ang mukha ng kakambal kaya kinukuha na niya at sinusulit. Hindi niya maitatanggi na sumasaya ang pakiramdam niya. Maya-maya ay lumunok si Warson. Nilapat niya ang kanyang kanang kamay sa tapat ng dibdib. Katulad pa rin ng dati ang bilis at lakas ng t***k ng kanyang puso kapag nakikita si Warren at hindi pa rin iyon nagbabago hanggang ngayon. Hindi na nga niya alam kung magbabago pa ba sa paglipas ng panahon o habang-buhay na siyang magmamahal pero hindi mamahalin pabal

