CHAPTER 61

2250 Words

Kakarating lamang ng bahay ni Warson. Bakas sa mukha nito ang pagod dahil sa maghapong paglalakad dahil naghanap siya ng trabaho. Hindi siya pinalad ngayong araw dahil halos walang bakante ang mga napuntahan niyang kumpanya para aplayan. Ang iba naman ay kailangan na may karanasan sa trabaho. Hindi niya akalain na ang hirap din palang maghanap ng trabaho. “Kaya nga ako naghahanap ng trabaho para magkaroon ng experience tapos hahanapan nila ako ng experience. Tanga lang?” may pagkainis na bulong pa ni Warson. Napahinto sa tangkang pagpasok si Warson sa bahay dahil napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto. Hindi lamang iyon dahil mula sa doormat na nakalatag sa labas ng pinto ay may nakita siyang pares ng rubber shoes na kulay itim na nakapatong doon. Nagtaka si Warson dahil sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD