Nasa loob ng kwarto nila ni Warren si Warson. Nakakabingi ang katahimikan at tanging ang sunod-sunod na click lang ang siyang maririnig dahil sa patuloy na pagta-type ni Warson sa keyboard. Halos mag-iisang oras na siyang nakababad sa computer at tumitingin ng pwedeng pasukang trabaho. May mga napasahan na rin siyang resume at maghihintay na lamang siya ng text o tawag para papuntahin siya sa kumpanya. Sinunod niya ang sinabi ni Warren sa kanya at sa tingin naman niya this time ay magtatagumpay na siya. Siya lamang mag-isa ngayon sa kwarto dahil si Warren ay may trabaho. Sunod-sunod na rin kasi ang pagtanggap nito ng kliyente na nangangailangan ng serbisyo niya at dahil kailangan niya ng pera, wala itong pinalalagpas kahit na sa malayong lugar pa makarating. Sa pagkakaalam naman ni Wars

