CHAPTER 63

1146 Words

Mag-isa na lamang sa kwarto si Warson dahil kanina pa nakaalis si Yale. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Basa pa ang kanyang buhok at hindi pa nakakapagbihis kaya tanging twalya lamang ang tumatakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan sa kadahilanang kakatapos lamang niyang maligo. Tulala si Warson na nakatingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang makipaglaro ng apoy sa kaibigan ng kanyang kakambal. Hindi niya akalain magpapadala siya ulit sa tukso ng pagnanasa. Wala sa sariling nagbuga nang hininga si Warson. Inihilamos niya ang magkabilang kamay sa buong mukha niya. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yale ay hindi na niya tuloy alam kung paano ito pakikitunguhan. Siguradong magkakaroon ng pader sa pagitan nila at iyon ay magiging likha niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD