Nasa dining area sila Rodrigo at Oliver. Nakapwesto sa kanan ang inuupuan ni Rodrigo habang kaharap naman niya si Oliver. Nakahain sa mesang nasa gitna nila ang mga sari-saring masasarap na pagkain na inihanda ngayong almusal na kanilang pinagsasaluhan. Napatigil sandali si Rodrigo sa pagkain at tiningnan si Oliver. Pinanuod niya itong kumain. Napangisi siya dahil sa nakitang gana nito sa pagkain. Naramdaman naman ni Oliver na nakatingin sa kanya si Rodrigo kaya napatigil ito sa pagkain ng mabilis at tiningnan ang ama. “Bakit?” nagtatakang at kunot-noo na tanong ni Oliver. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya pa. “Anong tinapos mo sa pag-aaral?” pagtatanong ni Rodrigo. Hindi niya pinansin ang tanong ni Oliver sa kanya. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Oliver saka umiwas na

