Hindi maipinta ang mukha ni Oliver habang nakaupo sa mahabang sofa na nasa living room. Nakakatawa ang palabas sa malaking flat screen TV na nakabukas sa harapan niya ngunit kahit isang ngiti ay hindi sumilay sa labi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on sa ginawang pangmamaliit sa kanya ni Warren. Ewan ba niya kung bakit apektadong-apektado siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito tungkol sa kanya gayong alam naman niya sa kanyang sarili na siya iyong tipo ng taong walang pakiealam sa sasabihin ng ibang tao. Malakas na nagbuga nang hininga si Oliver. Kumuyom nang madiin ang mga kamao niya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili ngunit sa tuwing maiisip niya si Warren, kumukulo talaga ang dugo niya para sa binata. “Sino ba siya sa inaakala niya?” naiinis na bulong n

