Nakatulog na si Warson dahil sa pagod nito sa kakaiyak. Nakahiga na ito sa kama habang nakaupo naman sa tabi niya si Warren at pinagmamasdan ang kanyang mukha. Dahan-dahang itinaas ni Warren ang kanyang kanang kamay at inilapit iyon sa mukha ni Warson. Gamit ang hinlalaking daliri niya ay marahang pinunasan nito ang mga luhang natuyo na sa pisngi ng kakambal. Nakikita pa rin ni Warren sa mukha ni Warson ang sakit na dulot niya. Hindi niya tuloy maiwasang ma-guilty sa ginawa niya ngunit masasabi niyang tama lamang din iyon. ‘Patawarin mo ako kung mas gusto ko pang masaktan ka na lamang sa katotohanang inilahad ko sayo kaysa naman magsabi ako ng mga mabubulaklak na salita na magpapasaya sa’yo ngunit puro naman kasinungalingan,’ sa isip-isip niya. ‘Alam ko at naniniwala ako na darating di

