Sakay ng kotse sila Warren at Warson. Binabaybay nila ang daan papunta sa mansyon. Sandaling tiningnan ni Warren si Warson na nakaupo sa passenger seat. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya saka muling ibinalik ang tingin sa daan dahil siya ang nagmamaneho ng dala nilang kotse. “Huwag kang masyadong kabahan,” wika ni Warren nang hindi tumitingin kay Warson. Nahalata kasi niya sa mukha nito ang matinding kaba na nararamdaman. Naalis ang tingin ni Warson sa labas ng bintana at tiningnan si Warren. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. “Hindi ko lang mapigilan, Kuya.” Nagbuga naman si Warson ng hininga. “Hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon ni daddy kapag nalaman niya ang lahat at ang gagawin niya patungkol dito,” aniya pa. “Huwag kang mag-alala, kung may gawin

