Nasa loob ng opisina sa mansyon si Rodrigo. Nakaupo ito sa mahabang sofa at katabi si Patrick, ang kaibigan niya simula ng nagbibinata pa lamang siya hanggang ngayon. Hindi papahuli kay Rodrigo ang kagwapuhan ni Patrick. Kung si Rodrigo ay brusko ang dating, si Patrick naman ang masasabing inosente dahil sa maamo nitong mukha. Bukod sa mestiso, baby face rin ito kaya hindi mapagkakamalang wala na rin sa kalendaryo ang bilang ng edad nito dahil hindi naman nagkakalayo ang edad nila ni Rodrigo. Si Patrick ang tipo ng lalaki na matatawag na boy-next-door lalo na noong kabataan nito. “Hindi ko inaasahan na pupunta ka,” wika ni Rodrigo habang matamang nakatingin kay Patrick. “Sa huling balita ko sayo ay nag-migrate ka na sa US kasama ang pamilya mo,” aniya pa. Napangiti si Patrick sa sinabi

