Nakaupo sa gilid ng kama si Warren. Nakasuot na muli sa kanya ang pantalon na hinubad niya kanina pero nanatiling walang suot na pang-itaas kaya litaw pa rin ang magandang katawan nito. Nakasilay ang ngisi sa kanyang labi. Mula naman sa banyo ay lumabas si Rodrigo. Nakabihis na ito ng polo shirt at semi-fit na pantalon. Basa pa ang buhok na pinupunasan nito ng mabuti gamit ang hawak na bimpo. Napatingin si Rodrigo kay Warren na tumingin rin sa kanya. Tumigil sa pagpupunas ng buhok si Rodrigo at kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang kilay niya dahil wala na sa paligid si Patrick at tanging ang anak na lang ang naiwan dito sa loob. Tumayo naman si Warren mula sa pagkakaupo at pumunta sa gitna ng kwarto. “Umalis na ang kaibigan mo. Ipaalam ko na lang daw sayo,” saad ni Warren habang

