PILIT kong kinalma ang sarili sa kabila ng nagbabagang tingin ni Phillip sa akin. Hindi ko maunawaan kung anong ikinagagalit niya gayong siya din naman itong may kasamang babae dito. “May gagawin lang kami ni Ralph dito.” Lalong naningkit ang mga mata niya pagkarinig sa sagot ko. “That is exactly what I am asking. Anong ginagawa mo dito kasama ang lalaking ‘yan?” kahit hindi siya sumisigaw ay nahahalata ko ang pigil na galit sa boses niya. “Dahil sa subjects namin kaya kami nandito! Eh, ikaw? Anong ginagawa mo kasama ang babae na ‘yan?” mataas ang boses na tanong ko. Nakatawag na ako ng atensyon ng mga naroroon at maging si Ralph ay nagtatakang lumapit sa akin. “Hey, what happened?” pabulong na tanong niya. I noticed Phillip's lethal stare at him. Gumalaw din ang panga niya sa pinipi

