PANAY ang lihim kong mga tingin kay Phillip habang seryoso siyang nagmamaneho ng sasakyan. Nakatuon ang atensyon niya sa daan. Bahagyang nakakunot ang noo niya at tila kay lalim ng iniisip. Ang totoo ay masayang masaya ako na ihahatid niya ako ngayon sa university. Noon ay palagi kong hinihiling ito ngunit dahil sa pagiging malamig niya sa akin ay hindi na ako umasa. Masaya ako ngunit pilit ko na iyong ikinukubli. Ayaw kong makita niyang apektado pa rin ako sa mga simpleng pabor na ginagawa niya para sa akin. Ganito na lang siguro ako, lihim na magsasaya, susulitin ang ilang araw na makakasama ko pa siya. Ngunit wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman. Pagkatapos nito ay kakalimutan na kita..bulong ko sa isip habang nakatingin sa gwapo niyang mukha. “What is it?” biglang t

