“ARE you really married?” tanong sa akin ni Ralph. Buhat sa binabasang article ay natuon ang atensyon ko sa kaniya. Nandito kami sa library para sa case study namin. Nabanggit ko kanina sa kaniya na kasal na ako at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin yata siya naniniwala. “I told you, I am married,” maiksing sagot ko saka muling itinuon ang atensyon sa binabasa. “So, why am I not seeing a ring on your finger?” pangungulit niya. “Nawala nga noong honeymoon namin,” yamot nang sagot ko. “Ow? Ni hindi ko man lang nabalitaan na may boyfriend ka.” “Alam mo, mabuti pa ay tumulong ka sa akin paghahanap ng references.” Natatawang umupo siya sa tabi ko. “Bakit kasi dito tayo naghahanap eh ang bilis lang naman ma-access ng mga journals sa internet.” Hindi na ako sumagot sa pagrereklamo niya. N

