NAGMAMADALI ang mga kilos ko dahil ilang minuto na lang ay mahuhuli na ako sa klase. Mabilis kong kinalap ang pinagkainan para mahugasan na. Kahit na anong aga ko gumising ay palagi akong kinukulang sa oras. Seryoso nga si Phillip sa sinabi niyang ako ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay dito! Wala namang problema sa akin ang pagluluto dahil magaling naman akong magluto. Isa iyon sa mga inaral ko. Ang kaso ay nahihirapan akong mag-manage ng oras ko. Tulad ngayon, ilang minuto na lang at mahuhuli na talaga ako sa klase. Habang hinuhugasan ang mga plato ay namataan ko si Phillip na lumabas ng kaniyang silid. Bihis na bihis na siya at ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. “H-Hindi ka ba kakain muna?” Natigil siya sa paghakbang at nilingon ko. “No, I’m in a hurry.” Nanlumo ako sa sago

