I WAS AWAKENED by the sound of crumpling paper and tapping on the laptop keyboard. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid at namataan ko si Phillip na abalang abala sa kaniyang laptop. Nakaupo siya sa sofa sa loob ng aming hotel room habang ang mga mata ay seryosong nakatuon sa laptop. Kagabi ay dinala niya ako sa clinic at matapos akong matingnan ng nurse on-duty doon ay bumalik na kami dito sa kwarto. Sa wakas ay nagdesisyon siyang magpalipas ng gabi dito kasama ko. Iyon nga lang, sa sofa siya natulog habang ako ay dito sa kama. Umayos ako ng pwesto dahilan para makuha ko ang atensyon niya. Seryoso pa rin ang mga mata niyang nakamasid sa akin. “How are you feeling?” tanong niya. “I’m feeling better now,” naiilang na sagot ko. Hindi ako sanay na ganito siya. “That's good because

