MAGKAHARAP kami ni Mika ngunit wala sa aming dalawa ang makapagsalita. Katulad ko ay puno din ng takot ang mga mata niya at panay ang paglinga niya sa paligid. Wala namang kakaiba sa mga kasama namin ngunit maging ako ay hindi mapakali. “Anong plano mo?” mayamaya ay pabulong na tanong niya. “Hindi ko din alam ang gagawin ko, Mika,” nagugulohang sagot ko. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginawa kong pagpapa-imbestiga kay Helena. Sa tingin ko ay mas lalo ko lang inilagay ang sarili sa panganib. “Kailangan mong sabihin kay Tito ang nangyari! Ipaliwanag mo sa kaniya!” “B-But—” “Regina! Delikado ang mga nangyayaring ito! Imposibleng nagkataon lang ang lahat! Paano kung si Helena nga ang may kagagawan ng lahat at nalaman niyang pinapasundan mo siya? B-Baka gantihan ka niya,” tanong niya

