JOSHUA grabbed my hand. Natuon ang nag-aapoy na mga mata ni Phillip sa magkahawak naming kamay pero umasta akong hindi apektado kahit pa nga litong-lito ako. Iginiya na ako ni Joshua palabas ng hotel at batid kong nakasunod sa amin ng tingin si Phillip. “Kilala mo ba si Sabrina?” tanong ko sa kaniya nang makalayo na kami. “Of course, siya ang babae ng asawa mo,” mahina niyang tugon. Pilit man niyang itago ay ramdam ko ang galit sa boses niya. “B-Bakit parang…g-galit ka?” nag-aalangang tanong ko. “Bakit? Ikaw ba ay hindi nagagalit sa kanila?” balik na tanong niya. Hindi ako nakaimik agad. Oo nga at masama ang loob ko pero dahil ako si Andie ngayon ay hindi ko maaaring ipakita iyon. “Kaya ka nila inaabuso eh,” yamot na bulong pa niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Joshua p

