HINDI ko malaman ang gagawin pagkakita kay Phillip. Pilit akong tumayo pero marahil dahil sa labis na kaba at nainom kong alak ay bumigay ang tuhod ko. Agad naman akong nahawakan ni Phillip para hindi ako tuloyang matumba. Inalalayan na rin niya akong makatayo. “Drunk?” amused na tanong niya. Nakakaloko din ang ngiti niya sa akin. Para bang nagtagumpay siya sa isang masamang plano. “Hindi ako lasing,” tanggi ko sabay hatak ng braso buhat sa pagkakahawak niya. Bahagya ko siyang itinulak. Ngayong kaharap ko na siya ay hindi ko mapigilan ang mainis. Kung bakit ba siya pa ang nakakita sa akin dito? “Sinusundan talaga kita,” sagot niya na parang nabasa yata ang iniisip ko. “At bakit mo ako sinusundan? Hindi ba dapat si Sabrina ang binabantayan mo?” mataray na asik ko sa kaniya. Muli ko siya

