PINAKIRAMDAMAN ko ang paligid. Nakarinig ako ng mga pagkilos malapit sa akin. May naaamoy akong mga tuyong dahon at kahoy na sinusunog at malamig din ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Iminulat ko ang mga mata. Unang bumungad sa akin ang bubong na gawa sa pawid. Marahan akong kumilos at napadaing na lang ako nang maramdaman ang pananakit ng iba’t-ibang parte ng aking katawan. Nasaan ako? Batid kong hindi ako nag-iisa kung kaya inilibot ko ang paningin. Namataan ko agad ang batang lalaki sa paanan ko. Namimilog ang kaniyang mga mata habang nakamasid sa akin. Dagli siyang ngumiti at nilapitan ako. “Nanay, gising na si Mama ko,” aniya na lumingon sa isang sulok ng bahay. Pilit kong nilingon ang tinitingnan niya at namataan ko ang matandang babae na lumapit sa akin. May kahabaan ang b

