CHAPTER 40

1177 Words

Nasisiyahan kong pinagmasdan ang mural na noon ay patapos ko nang gawin. Isang taon na ang nakalipas buhat nang mapadpad ako sa Isla Caringa. Nagdesisyon akong hindi na bumalik sa dating pamilya. Matapos ko noong malaman na itinuring na nila akong patay ay isinumpa kong hinding hindi ko na sila babalikan. Ginamit ko ang pangalan at katauhan ni Andie. Kaya naman labis ang tuwa ni Andrew. Batid kong nagtataka sila Nanay Emelia at Tatay Crispin sa naging desisyon ko pero hindi naman sila nag-usisa pa. Mula noon ay sila na ang itinuring kong mga magulang. Saktong isang grupo ng mga empleyado ng isang lokal na resort sa isla ang napadpad sa bahay namin. Parte umano ng community service nila ang maghatid ng tulong sa local community lalo na iyong naninirahan sa baybaying dagat ng isla. Noon ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD