NAWAWALA ako sa sarili habang naglalakad papalayo ng building sa loob ng resort na iyon. Finally, I was able to get away from Phillip's prying eyes. Marahil nahiya na rin siya na magtanong ulit dahil sa mga kaharap namin. Gayunpaman ay hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. Ang isip ko ay nagtatalo kung lilingunin ko ba ang pinanggalingang gusali o patuloy lang akong maglalakad palayo. Gusto kong malaman kung nakamasid pa rin ba sa akin si Phillip ngunit natatakot akong baka ipagkanulo ako ng aking mga mata. Nakarating na ako sa kabilang building at nasa front desk na ako ng resort ngunit kaybilis pa rin ng t*ibok ng puso ko. Paanong napadpad si Phillip sa lugar na ito? Probinsya ito at malayo sa Manila! Kung kailan naman inaalis ko na siya sa isipan ko at nasasanay na ako dito ay saka

