NAKATITIG lang ako kay Phillip na noon ay nakatulala sa harap ko. Napansin kong kakaiba ang tingin niya sa akin. Bago ko pa man matukoy iyon ay biglang kumidlat at kumulog ng malakas kasunod ay ang pagkamatay ng ilaw. Hindi ko napigilan ang pagtili sa takot. Kahit anong dilim ng paligid ay mabilis akong tumakbo patungo sa pwesto niya. Nakalimutan ko nang balak ko nga pala siyang iwasan. Ipinagsiksikan ko pa ang katawan sa kaniya. Kung kanina ay nagtataka akong nandito siya, ngayon ay ipinagpapasalamat ko nang umuwi siya ng maaga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mag-isa ako dito ngayon. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat at para akong nakuryente. “Calm down,” bulong niya. Hindi ako nakaimik. Wala siyang kamalay malay sa epekto niya sa akin. Mayamaya ay naaninaw ko ang i

