Chapter 38 – Hustisya o Pamilya?

1612 Words

“Mabuti at nakarating ka, Luna.” Masuyo siyang nginitian ni Pablo nang nasa cake shop na siya at nasa tapat na nito. Nasa isang gilid sila naka puwesto, sa medyo tagong bahagi. Nauna nang dumating si Pablo kanina at mula sa labas ay hindi kita sa glass wall ang kinauupuan nito. Pero pagkapasok niya ay namataan naman niya ito agad nang bahagya itong tumayo pagkakita sa kanya para kunin ang atensiyon niya. Kaya sigurado siyang hindi malalaman ng driver at bodyguards niya na nandoon si Pablo puwera na lang kung papasok ang mga ito, na hindi naman ng mga ito gagawin dahil sinabi niyang gusto muna niyang mag-isa. Mabuti at hindi na nagpumilit pa ang bodyguards niya na sumama sa loob dahil hindi rin naman ganoon kalakihan ang cake shop at isa lang ang entrance at exit para sa customers kaya ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD