Jayvee and Jaycee, Loves, I’m sorry. Naging duwag akong aminin sa inyo ang totoo. At ang totoo ay kayo ang pinaghihinalaan ni Pablo na nagpapatay sa mga magulang at lahat ng kasamahan namin. Narinig niya mismo na binanggit ng mga sumugod sa pamilya namin ang apelyido niyo. Hindi ako naniniwala sa kanya, pero wala akong magawa para ipagtanggol kayo sa kanya. Gusto niya kayong patayin para makapaghiganti siya. At para hindi na niya kayo guluhin pa ay sisikapin kong ilayo na lang siya… Pero ang kapalit noon ay hindi na tayo muling magkikita at magkakasama. Patawad. Mahal na mahal ko kayong dalawa kaya gagawin ko ang lahat masiguro ko lang na walang magagawang masama sa inyo si Pablo. At wag kayong mag-alala dahil hindi ako sasaktan ni Pablo. I love you both. I love you so much! Pangako,

