“Isang araw na lang Luna.” Nahigit niya ang hininga niya nang mabasa niya ang text na iyon ni Pablo isang umaga. Kahit hindi naka-save ang numerong iyon sa cellphone niya ay sigurado siyang si Pablo ang nag-text niyon sa kanya. Tama, patapos na pala ang isang buwan na ibinigay nito sa kanya. Mabuti na lang at siya lang mag-isa sa kuwartong iyon dahil kasalukuyang nasa home office si Jayvee. Pansamantala kasi ay doon na muna ito nagtatrabaho habang hindi pa bumabalik si Jaycee. Agad siyang nagtipa ng mensahe para kay Pablo nang may kaba. Nagmamadali rin siya dahil baka biglang pumasok sa kuwarto si Jayvee at mahuli nito ang patagong pakikipag-usap niya kay Pablo. Paminsan-minsan din ay tinitingnan nito ang cellphone niya maging ni Jaycee noong hindi pa ito umaalis. “Sasama ako sa’yo, P

