Chapter 2 My Arrogant Husband

773 Words
Cubao cubao cubao. Sigaw ng konduktor ng bus. San ka miss beautiful?- konduktor Cubao po ako kuya. Sagot ni ara sa konduktor. Grabe ka naman miss beautiful hindi pa naman ako ganun katanda para i-po. Saad nito. Hindi na lang ito pinansin ni ara. Dahil ang mga ganyang klaseng lalaki ang hindi dapat pinag tutuunan ng pansin at dapat na iniiwasan dahil sa ngayon hindi nya ito kailangan dahil may mga kapatid siya at ina na dapat buhayin. Ang sungit naman ni miss beautiful. Saad ng konduktor. Hindi nalang ito pinansin ni ara. Pero panay parin ang pag papapansin ng lalaki. Mukha namang mabait ang lalaki ngunit para kay ara walang lugar ang mga ganyan sa puso niya. Sige na miss dyan kana lang umupo sa unahan para hindi ka mahirapan mamaya sa pagbaba mo. Saad ng konduktor. Napatingin si ara sa lalaki at sinunod nya nalang ang sinabi nito. Saan ka baba miss? Tanong konduktor at naglabas ng ticket para maningil. Sa Cubao po, sa mismong terminal nyo. Sagot ni ara sabay abot na rin ng bayad at pag kuha ng ticket sa konduktor. Habang nasa byahe hindi mapigilan ni ara ang maiyak dahil naaalala nya ang dalawang kapatid at ina na naiwan sa probinsya at heto siya mag isang makikipag sapalaran sa maynila. At hindi rin maiwasan ni ara na maalala ang yumaong ama na si mang Ric. Sobrang mapagmahal at responsableng ama si mang Ric napagtapos nya si ara sa kursong BSBA major in marketing. Talagang sinuportahan ni mang ric si ara   hanggang makapag tapos ito. Ngunit ilang buwan palang ang nakararaan simula ng grumadweyt si ara, inatake naman sa puso ang ama nila na ikinamatay nito kaagad. Dahil matagal na rin palang dinaramdam ni mang ric ang sakit nito hindi lamang ito dumadaing sa pamilya dahil rin sa kahirapan kaya tiniis nalang nito ang nararamdamang sakit. Ara ikaw na ang bahala sa nanay mo at mga kapatid mo. Patawarin mo ako anak dahil maiiwan ko sayo ang responsibilidad ko bilang ama nyo. Pag aralin mo rin ang mga kapatid mo dahil yan lang ang magiging sandata nyo sa buhay, ang makapagtapos ng pag aaral para magkaroon ng magandang trabaho at mabili ang mga pangangailangan nyo. Patawad anak, mahal na mahal ko kayo. Un ang huling sandali ng pag uusap nila ng ama dahil binawian na rin ito ng buhay. Kaya sa naka atang na responsibilidad, naka sentro nalang sa pamilya ang puso at isip ni ara. Si Ara ang panganay sa apat na magkakapatid sa edad na bente dos, wala rin siyang karanasan sa pakikipag relasyon sa opposite s*x. As in NBSB si ara. Kung maganda si zoey na kapatid nito kaka iba rin ang ganda ni Ara. Makinis ang balat may balingkinitan na katawan at 5'3 ang taas nito. Bilugang mga mata manipis na labi na namumula. Malaki rin ang hinaharap nito pati ang pang upo. Siya rin ang pambato ng BSBA department ng school nila. Tinanghal rin siyang Ms. Nueva ecija dahil talagang mapapa lingon ka sa taglay nyang ganda. Kahit nakapagtapos na gusto pa rin mag aral ni  Ara ng law. Kaya talagang kailangan niyang makipag sapalaran dito sa maynila dahil kailangan niyang kumita ng mas malaki. Cubao na po tayo last terminal na po ito. Saad ng konduktor. Biglang nagising ang diwa ni ara. Kaya napa tayo rin siya agad. Buti nalang maaga akong nakarating. Tamang tama makakahanap pako ng pwede kong tirhan dito sa cubao.-ara Ate, san po dito may nagpapa rent? kahit boarding house lang po kailangan ko lang talaga ng matutuluyan ngayon.-ara Ay, naku ineng meron akong boarding house may bakante pang isa huwag kang mag alala for girls only lang to. Tamang tama pala, ako napagtanungan mo. Mahirap pa naman dito maraming masasamang loob. Kaya mag iingat ka wag ka magtitiwala agad agad sa iba. Mura ko lang ibigay sayo 2500 lang all in na. 2months lang kunin ko sayo. Ako pala c nanay martha. Dalawa lang kayo dito si daisy ang kasama mo dito sa room na ito mabait yon kaya tiyak magkaka sundo kayo.- aling martha Naku salamat po nanay martha kunin ko na po ito. My interview po kasi ako bukas sa inaapplayan ko. Kaya mas ok po dito tumira kasi isang sakay lang po papuntang ortigas.-Ara Ayy, tamang tama pala. O sige mauna na muna ako at babalikan ko pa yong pwesto kong tindahan.-Nanay martha Ok po sige po. Thank you po ulit.-Ara Oh sige ara.-Nanay martha Hay, thank you lord, your the Great provider po talaga.- Ara Pagkatapos ayusin ni ara ang mga gamit. Napansin niyang madilim na sa labas at naka ramdam na rin siya ng gutom kaya lumabas muna siya para kumain. At pagkatapos kumain bumalik na rin siya sa boarding house para makapag linis na ng katawan bago matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD