Maagang nagising si Ara at gumayak na rin siya para maka punta sa interview niya ngayong araw.
Nag lakad na lang si ara papunta sa bus station. Tumawid siya sa foot bridge para makasakay ng bus papuntang ortigas.
Ortigas po kuya. Wika ni ara.
Sakay na sakay na marami pang bakante dito. Wika ng konduktor.
Pumasok si ara sa loob at tamang tama naman dahil may bakanteng upuan.
Lord bless me, guide me, ituro nyo po ako sa lugar na paglalagyan nyo po sa akin, gumamit po kayo ng instrument para maging gabay ko ngayong araw na to at matanggap po ako agad.- ara
San ka miss? Tanong ng konduktor
Ortigas po sa Robinson galleria. Sagot ni ara
Katorse lang miss.saad ng konduktor
At inabot naman ni ara ang bayad dito.
Ate, saan po dito itong building na ito K.A.C Inc?-ara
Likod lang halos yan ng mall na ito. Sagot ng guard na nakatalaga sa entrance ng mall.
Thank you po. Pasalamat ni ara sa lady guard ng mall.
Mag aapply ka ba?-Guard
Opo,sana nga po matanggap ako. -Ara
Naku, panigurado tanggap ka agad dyan, mukha ka namang magaling at maganda pa. Ani ng lady guard.
Naku salamat po ate mas lalo lumakas loob ko.wika ni ara na nakangiti.
This is it. Kaya ko to. Pampalakas loob ni ara sa sarili.
Manong sa HR po. Final interview ko po ngayon. Wika ko sa guard ng KAC Building.
Sige po ma'am, akyat nalang po kayo sa 16F, paiwan nalang po ng I.D nyo. Wika ng guard sa lobby.
Nakarating narin sa 16f si ara.
Kuya sa HR po ako kay Mrs.Cruz, Final interview ko po ngayon.
Sige ms paki antay nalang. Wika ng guard na nakatalaga sa 16F.
Maya maya.
Ms. Arabelle Bernabe? Tanong ng Guard.
Ako po.sagot ni ara
Pasok na po kayo mam. Inaantay na po kayo ni Mrs. Cruz.
Thank you po sagot ni Ara.
Pagkaraan ng 15 minutes na interview natapos na rin sa wakas at laki ng ngiti ni ara dahil successful ang resulta dahil pwede na siya agad mag umpisa bukas bilang assistant sa marketing department na related mismo sa course nya.
Pipindutin na sana ni ara ang down sign ng elevator ng maunahan siya ng guard na pindutin ito.
I-assist ko na po kayo mam.saad ng guard .
Ngunit pag bukas ng elevator nagulat naman ang guard sa tao na nasa loob ng elevator at hindi na rin ito naka pag salita pa ng biglang pumasok na si ara sa loob ng elevator. Dahil sininyasan ito ng tao na nasa loob ng ok lang sign. hindi narin naman tiningnan pa ni ara ang mukha ng kasabayan nya sa loob. Pero bago pa mag sara ang elevator ay nagpasalamat pa si ara sa guard na nag assist sakanya.
Habang nasa loob ng elevator. Nag iisip si ara ng pwedeng gawin ngayong araw. Kinuha nya ang cellphone nya sa loob ng bag at balak sanang i-dial ang numero ng ina para sana tawagan ngunit may nagsalita sa likuran nya. Ngunit hindi nya ito pinansin dahil hindi rin niya naman naintindihan ang sinabi ng lalaki.