Zennon's POV Marami ng tao sa loob ng canteen noong pumasok ako. Hinanap ng mga mata ko si Karen at kagaya ng inaasahan, magkasama nga silang dalawa ni Gabby. Ang mga taksil, feeling pag-aari naman nila ang mundo. Huminga muna ako ng malalim. Nasa aktong sinusubuan na siya ni Gabby ng mansanas noong dahan-dahan akong maglakad at naupo ako sa isang upuan na nakalagay sa mismong lamesa na kinauupuan nilang dalawa. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng galit ko pagkakitang-pagkakita ko sa kanilang dalawa. Parang gusto kong pilasin ang mga mukha nila at ipagsigawan sa lahat ang mga kahayupang ginawa nila sa akin. Gusto kong sumugod sa kanila habang may dala-dalang kutsilyo at itarak iyon sa mga puso nilang kulay putik na dahil sa dumi! Nangangatal ang mga kamay ko pero pinilit kong palakasin

