Zennon's POV Kagaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing pumapasok noon, nagsuot ako ng mga damit na iba-iba ang style kaya naman nagmukha lang akong hanger na sinabiyan ng mamahaling damit. Isinuot ko rin ang makapal na salamin na favorite ni Karen ipasuot sa akin. Kapag suot ko 'to, palagi niyang kinakamusta kung okay lang daw ba ang paningin ko. Kung hindi ba nanlalabo o kung hindi ba blurred, syempre sasagutin ko naman na ang sarap gamitin sa mata ng salamin. Although nagtataka ako noon at gustong-gustong magtanong kung bakit ito ang napili niya, hindi ko naitutuloy ang tanong dahil kitang-kita ko sa mukha niya ang saya. Anak ng tokwa, may mga tao pala talagang gagawin ang lahat huwag lang silang maungusan. "Mom, dad, aalis na ako," naabutan ko si mommy at daddy sa sala kaya naman na

