CHAPTER six “I CAN’T believe it, Rand!” hindi makapaniwalang bulalas ng kaibigang si Art. “Kahit ako, pare, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala,” sagot ni Randall habang pinapanood sina Honeyleen at Angelo na masayang naglalaro sa playground na malapit sa main house ng resort sa Batangas na kinaroroonan nila. “Hindi puwedeng ipagkamaling anak mo nga siya, pare. Ang laki ng pagkakahawig niya sa `yo. And who would have thought na anak mo pala ang nakakalaro ni Angelo tuwing nandirito kami,” wika ni Pierro. Kababalik lang ng kaibigan niyang ito sa Pilipinas mula sa pamamasyal sa Hong Kong kasama ang asawang si Catherine at ang anak ng dalawa na si Angelo. Nagtatanong ang mga matang napabaling si Randall kay Pierro. “Yeah. Hindi nga lamang namin nakikita ni Catherine si H

