CHAPTER five “MOMMY, ba’t ang tagal mong i-open ang door?” nakasimangot na tanong ni Honeyleen nang pagbuksan ni Aria ng pinto. Lumipad ang tingin ni Aria sa lalaking nakahiga sa kama. May makahulugang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Randall at naglalaro ang pagkaaliw sa mga mata. Inirapan niya ang lalaki na ikinatawa nito. Lumapit si Honeyleen kay Randall. “What’s so funny, Daddy? Bakit ka tumatawa?” “Well, Mommy and Daddy were just playing,” ani Randall, sabay kindat sa kanya. “Play? Naglalaro pa kayo ni Mommy?” excited na sambit ni Honeyleen. “Siyempre naman, baby. It’s what makes life exciting,” sagot naman ng hudyo. “R-Randall!” saway ni Aria sa lalaki kahit hindi naman naiintindihan ni Honeyleen ang tunay na kahulugan ng sinasabi ng ama. “Daddy, puwede ba akong dito mag

