Kabanata 5

2393 Words
Kabanata 5 Immature Tahimik lang akong sumunod kay Ella. Sinuot ko ang white dress ko na lagpas tuhod. Spaghetti strap ito at flowy ang palda. Soft ang fabric nito at may patong na see-through fabric sa palda. Regalo pa ito ni Auntie Lilian sa akin. Isang pares ng white rubber strapped slippers ang sinuot ko. Sumakay kami sa elevator para bumaba sa first floor. Kanina pa ako tahimik. Hindi naman dahil sa galit ako, pero kasi feeling ko kapag dumaldal ako ay sasakit ang mga pasa ko. Tapos may sugat pa ako sa ulo. Pagkalabas namin sa elevator ay pumunta kami sa dining hall. Maraming tables and chairs doon. Agad din naman naming natanaw ang table kung nasaan sina Ciela, Ally at Cade. Pang-animan ang table na pinwestuhan nila. Tumabi si Ella kina Ciela at Cade kaya naman kay Ally ako tumabi. "Kami na ang um-order para sa inyo." Basag ni Ciela sa katahimikan dito. Marahan lang akong tumango. Ngumiti lang si Ella. "Masakit parin ba ang katawan mo?" Tanong ni Ally nang mai-serve na ang dinner namin. Tumango ako. "Oo. Kahit kaunting galaw ko lang ay masakit." Lalo na 'yong kanang braso, likod at ulo ko. Masakit siya, tsaka buti na lang talaga at tolerable siya. Ngumisi lang siya at tumango. "Buti na lang at hindi ka nabalian. Rinig kaya ang pagtama ng ulo mo sa bato. Buti na lang at walang c***k. Small cut lang." Ngumuso siya. Sinimulan ko nang kainin ang dinner na inorder nila para sa akin. Isang grilled chicken with rice and vegetables. May additional din na Mushroom soup. Busy sa pagkain ang tatlo sa harapan namin. Sina Ciela at Ella ay may pinag-uusapan tungkol sa damit. Habang si Cade naman ay nasa pagkain lang ang buong atensyon. "We're going to the bonfire place near the shore, Nam. For sure nandoon si Marco. Are you coming with us or not?" Tanong ni Ally nang sumandal ako sa upuan ako. Muntikan na nga rin akong mabulunan sa sinabi niya. Nagkibit-balikat ako. Aminado ako na gusto kong pumunta, pero kasi nandoon ang bwisit na Marco na 'yon. Aba't hindi porque kapatid siya ng kaibigan ko ay gagalangin ko siya. Oo. Magalang akong tao, pero kung iinsultuhin mo ako at sasabihan ako na gulo ako ay hindi ko talaga palalampasin. Tapos sinabi niya pa 'yon sa harap ng mga kaibigan ko at sa crew ng team nila. Okay lang sana kung sa mga kaibigan ko. Pero ang ipahiya ako sa mga taong hindi ko naman kilala? Jusmiyo! I'm thankful because my friends are there to defend me. Kung wala sila doon ay baka umiyak na ako. Nang matapos kaming mag-dinner ay nag-aalangan pa ako kung sasama ba ako o hindi. Siyempre bonfire 'yon e. Gusto kong makasana dahil mukhang masaya. Pero dahil nga sa nandoon si Marco ay nawala ang excitement ko. Pipihit na sana ako palayo nang hilain ako ni Ciela sa kaliwang braso ko. "You're going with us, Nami." Aniya't inangkla ang kamay sa kaliwang braso ko at siniguradong hindi ako makakawala. Paano naman ako makakawala? Masakit ang katawan ko at grabe din ang pagkakabagsak ko. Napakatigas na stone slab lang naman ang binagsakan ko kanina. Habang papalapit kami nang papalapit sa seashore ay naririnig na namin ang modern music na pinapa-tugtog ng isang dj doon. There's a bonfire party. May warm lights din na nakapalibot sa buong lugar para magbigay liwanag. "This is beautiful!" Singhap ni Ella. "I've never been into this!" Dagdag niya pa at umikot sa harapan namin. Napailing na lang ako. This is my first time to see a party like this. The bonfire party, I mean. I'm not into parties, though. My aunt is strict about few years ago. She didn't let me stay up late at night. In our circle of friends, I was the only one. The ONLY ONE who has the earliest curfew! Like, 5 o'clock in the afternoon! I need to be at home before the clock strikes at five! Well that's when I was still in junior high school. It's Ella and Cade's fault why I'm in some parties that some of our classmates organized. Like I said, I'm not into parties. I'd rather read a book than to party and cheer like a crazy girl. Some of the parties I attended are organized by the rich kids here in Lealtad. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit kumpleto ang mga ito at bongga. Mula sa lights hanggang sa liquors ay kumpleto sila! "Let's sit there." Hinigit ni Ciela ang kamay ko papalapit sa isang table na may limang upuan. Sakto namang walang umu-ukupa nito kaya naman malakas ang loob naming umupo dito. "You're not going to party, Ci?" Umiling siya. "Why? Not in the mood?" Bakit ba ang daldal ko ngayon? Tss. She just shrugged. Ay ewan. Minsan kasi ay hindi mo rin makakausap si Ciela kapag ganyan siya. Sometimes, she's just too difficult to understand. Kaya naman hindi ako kumibo sa mga oras na 'yon. May iilang lumalapit sa table namin at lalo na kay Ciela. Pero kapag medyo naiiilang na si Ciela ay sumi-segway siya para makaiwas sa mga topics na ayaw niyang pag-usapan. "Sorry. I'm not in the mood to answer your question. Besides, I'm not even sure about the rumors that I heard..." Aniya. Nakita ko pa nga ang pag-irap niya nang maka-alis na ang lalaking kumausap sa kanya. "Let's party! Marco!" Kinabahan ako sa narinig pero agad din 'yong nawala. So nandito na sila. Cool silang naglalakad. Kasama parin rin niya ang triplets ng UL Basketball Team. Nakasuot siya ng white button down shirt at khaki shorts habang naka-Nike slippers siya. Naka-open ang first three buttons no'n. Napairap na lang ako. Mayabang niyang hinawi ang buhok niya. Marco Ezquierda is the guy that I hate, the most. Tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko. Siya kaya ang madulas at mabagok ang ulo! Tapos may lakas pa siya ng loob para pagsabihan ako at hindi tanggapin ang sorry ko? Ano siya, diyos?! Ugh! Hindi porque over qualified siya sa looks and appeal ay gagano'n siya! Tao lang rin siya ano! Dumudumi siya at tumatanda! Shit! Napapamura na lang ako sa inis e! "Nami.. Ang pula mo." "Ay loko!" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko. Sobrang lapit ni Ciela sa akin! "Ciela naman! Huwag kang manggulat!" Napahawak ako sa dibdib ko. Ang puso ko, halos tumalon palabas! Jusmiyo naman, oo! "'Know what, Nami? This is so boring! Let's party with Ella!" Agad niya akong hinila. Kaya naman wala akong nagawa at nagpahila na lamang sa kanya. May nakakasalubong kaming mga models kanina. May nakaka-banggaan din. "Aray!" Nagka-banggaan kami ng isang babae. "Sorry miss!" Patuloy lang si Ciela sa paghila. "I can't find them! Ugh!" Ingit niya habang naglalakad kami at nakikipag-banggaan sa dagat ng mga taong nagpa-party dito. Kalayuan na kami ni Ciela sa bonfire. Pero ang mga beat drop music ay malakas padin. Karamihan sa kanila ay amoy alak na. Jusmiyo. Gaano kaya karami ang nainom nila? "Oh! Nando'n sila!" Tumakbo na rin ako at nakisingit sa mga tao para hindi na mahila ni Ciela nang grabe. Ang sakit kaya sa kamay! Unti-unti kaming nakalabas ni Ciela sa dagat ng mga tao. Nakaupo sina Ella sa isang malaking cabana. Kasama nila si ang iilang mga model kanina. Pati na rin ang triplets. At siyempre, si Marco! Wala sa sarili akong napairap. Kalma, Natasha Mirae! Maka-karma din ang lalaking 'yan! Naiiling akong sumunod kay Ciela na ngayon ay may malaking ngiti sa mukha. Buti pa siya, okay lang. Eh ako? Tss. Masakit parin ang katawan at ang mga pasa ko. Kaya naman ay puro daing ako kanina. Agad na nahanap ng mata ko si Ella na katabi ang kuya niyang arogante! Tumabi ako kay Cade. He's busy drinking his bottled beer. Kaya naman ay siniko ko siya. "Kanina pa namin kayo hinahanap. Anong nangyari?" "Ayon, nag-order sila ng cocktails. You know, pati mga mamahaling liquors at beers." Sagot niya at tumungga. Napailing na lang ako. Imunuwestra ko ang kamay ko. "May I have one?" Turo ko sa mga beer na nasa lamesa malapit sa amin. His eyebrows furrowed. Nakataas ang kilay niyang tumingin sa akin. "No. Auntie warned us not to let you drink any alcoholic drinks, Nami. So it's a no." Aniya sabay tungga ulit sa beer niya. Napanguso na lang ako. Sabagay, baka mamula ulit ako kapag uminom ako. Rinig na rinig ko ang tawanan nila Ella sa likod na humahalo sa hiyawan ng mga tao at sa malakas na beat drop music. "Oh! Nandito ka pala, Natasha!" Bati ni Kevin sa akin. Kumaway ako sa kanila. "Ano? Okay ka na ba?" Puno ng sinseridad na pagtatanong ni Rei sa akin. Agad naman akong binalot ng hiya sa tinanong niya. Nahihiya akong ngumiti. Paniguradong nakita nilang tatlo ang pagkaka-bagsak ko kanina sa slabs. "Ang totoo niyan ay masakit parin ang katawan ko." Pag-amin ko. Napatango na lang sila sa sinabi ko, pati na rin si Cade na ngayon ay naka-nguso. Humalakhak siya. "Hindi ka ba nilalamig sa suot mo, Natasha?" Tukoy ni Rei sa damit ko. Nga naman, kanina pa nga ako nilalamig sa damit ko. Si Ella kasi e! Ito ang ibinigay niya sa akin kanina habang nasa bathroom ako. Nakalimutan kong kunin ang damit ko kaya naman pinaabot ko sa kanya. Hindi ko naman inaakalang ito ang ibibigay niya sa akin. Nahihiya akong ngumiti. Napailing na lang si Cade sa ginawa ko. Nagtaka ako nang biglang umalis si Rei. Bumalik siya dito sa amin dala ang isang balabal na kulay puti din. "Ipantakip mo. Kanina pa 'yan dala ni Ella e. Hindi naman niya ginagamit." Sumimangot siya. Tinanggap ko 'yon at itinakip sa akin. "Salamat." Ngumiti siya. "Walang anuman." Buong akala ko ay tulad sila ng ibang mga varsity players sa school at ni Marco na arogante. 'Yon naman pala ay mabait sila. Hindi na ako nagtaka kung bakit mataas ang right conduct nila. Paborito rin sila ng mga teachers sa school. Para sa edad naming ito ay malaki talaga ang lamang ng pangangatawan nila. Well, bukod na lang sa mga lalaking nagta-trabaho sa mga rancho, palayan at kuwadra. Most of them have good body built. Madalas silang tumutulong sa mga gawain sa hacienda nila. Hinarap nilang tatlo si Cade. "Bakit ka nga pala umayaw sa offer ng manager ni Jia, bro?" Napakunot ang noo ni Cade sa tanong ni Josh. Napatingin ako sa kanilang tatlo pati na rin kay Cade na ngayon ay seryosong kumuha ulit ng isang bote ng beer. "I just don't like it. I don't wanna leave my band behind." Aniya kaya naman napatango kaming apat. Tama nga naman siya. Kung iiwan niya ang mga ka-banda niya ay mawawala ang original vocalist nila. Cade is very good at performing and catching attention. Passion niya 'yon at pangarap. "Ang alam ko, naghahanap ng banda ang Stellar Entertainment. Why don't you try to take an audition? Paniguradong isa kayo sa mapipili doon." Napatango kami sa sinabi ni Kevin. Nabasa ko nga 'yon sa isang dyaryo noong isang araw. Tsaka, dito pa nga lang sa Lealtad, sikat na sila. Umaabot pa nga sa Arias na karatig lang. Papaano pa kaya kapag tumapak na sila sa Maynila? Masasabi kong malakas din ang karisma nilang lahat. Ngumisi lang si Cade. "Nga naman, Cade. Mag-try lang naman kayo. Malay niyo, 'di ba? Baka kayo ang mapiling banda. Tsaka, kilala ang Stellar Entertainment sa mga artists nila." Sabi ko. "Do you know Lude Aurecio? Lealtad is her hometown, bro! Nag-audition lang rin siya sa Stellar Entertainment. Siya ngang mag-isa lang, nakapasok. Kayo pa kayang banda na kinababaliwan dito pa lang sa Lealtad!" Pangungumbinsi ni Rei. Napangisi ako. I want Cade to explore his talents more. Oo, isang siyang haciendero. Dito siya lumaki at hindi naisipang lumabas papuntang Maynila. I know, Cade and his band deserves something good. That audition can be their chance! Alam ko at alam ng lahat na magaling sila. Napatango siya. Mukhang pinag-iisipan din niya ang mga sinabi namin. I'm trying to push him. Even just this one. Kaya nila. Kayang kaya talaga nila. Masaya ang naging kwentuhan namin. Sina Ally ay busy sa pagpapa-impress sa girls niya. Ano pa bang i-e-expect ko, 'di ba? Natigil ang pagtawa ko nang lumipat si Marco sa pwesto namin. Tumabi sa akin si Ella at isinandal ang ulo sa balikat ko. Nakipag-fist-bump siya kina Cade, Rei, Kevin at Josh. Habang isang malamig at walang ekspresyon na tingin lang ang ibinigay niya sa akin. Pake ko naman? As if I care. Tss. "Stop rolling your eyes, Nami. Baka mag-away kayo." Bulong ni Ella sa akin. Napanguso na lang ako. Pasalamat siya at madilim. Hindi niya makikita ang pag-irap ko sa mukha niyang puno ng yabang! "Kapatid mo ba talaga siya, Ella? Ang akala ko ba, nag-aaral pa siya?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. "Yeah. Actually, ka-year natin si kuya. Have you forgotten, Nami? I'm a year younger than you. Ako ang pinakabata sa ating lima. Siya talaga ang ka-year ninyo." Aniya. Oo nga pala. Bakit nga ba nawala sa isipan ko 'yon? Mas bata siya sa akin ng isang taon! "Edi siya 'yong lalaking kalaro natin sa plantasyon ninyo noon?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Tumango siya. "Oo. Siya nga 'yon. Si Kuya Marco ang tinutukoy mo." Aniya kaya mas napasimangot ako. Kung siya pala ang kalaro ko dati, pwes, ayoko na sa kanya! Hinding-hindi ako makikipag-kaibigan sa taong tulad niya. Toxic ang tulad niya. "What's with that look, Natasha?" Napalingon ako. That deep, husky voice. Matik na napataas ang kilay ko. Aaminin kong hindi ako mataray. Pero lumalabas lang ang side kong 'yon kapag na-insulto talaga ako ng isang tao. That devilish smirk. "What?" Konti na lang talaga. Iirapan ko ang isang 'to nang todo! "You look like a grumpy kid." Aniya. "Ano bang pake mo?" Mariin ko siyang tinignan. Agad na uminit ang ulo ko nang makita ko ang ngisi niya. Bumulong-bulong pa siya. Puro pang-i-insulto lang naman ang sinasabi niya. Puro parinig. Etong si Cade naman, nakikisabay pa! Ugh! "Shhh." Ani Ella habang nakatingin sa kuya niya. "Kung umakto, parang hindi matanda. Ano ka, bata?" Pabalang kong sabi sabay irap. Nabi-bwiset na kasi talaga ako sa lalaking 'to e! "What did you say?!" Sinadya ko talagang marinig niya 'yon. Masama siyang nakatingin sa akin. Ang mga kaibigan niya at pati si Cade ay malokong nakangisi lang sa amin. Mukhang nagpipigil pa ng tawa. Gwapo nga, immature naman. "O, bakit ka sumisigaw diyan?" Nagkunwari akong walang alam sa ginawa niya. Nagdikit ang kilay niya. Kung pwede lang i-glue 'yan e. Kakabitan ko ng super glue nang hindi na matanggal pa! "Anong sabi mo? Bata ako?" His accent was firm. Napairap ako. "Huh? May sinabi ba ako? O baka naman nakakarinig ka ng kung anu-ano?" Nagkibit-balikat ako. Tignan natin. IMMATURE BRAT! "Damn woman!" Sigaw niya kaya napangisi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD