Kabanata 6

2896 Words
Kabanata 6 Nakauwi Na Nakangiti akong sumunod kina Ciela at Ella papalabas ng kwarto. Hinintay kami nina Cade at Ally dahil gusto nilang sabay daw kaming mag-agahan. Sinuot ko ang puting loose shirt ko at tokong. Ang puting rubber strapped slippers ko parin ang gamit ko. Dumiretso kami sa dining hall kung saan sila nagsi-serve ng breakfast. Agad na nawala ang ngiti ko nang makita ang grupo nina Marco na papasalubong sa aming lima. Bumeso si Ella sa kuya niya at sabay silang pumasok sa loob. Hindi na ako nagtaka nang magpasya silang iisang table na lang kaming siyam. Kaya naman doon kami sa long table nila pumwesto. Napapagitnaan ako nina Ella at Ciela. Katapat ko si Cade. Si Ally naman ang katapat ni Ciela. Habang si Marco naman ang katapat ni Ella. Sina Rei at Kevin ang magkatapat at si Josh lang ang mag-isa. Bale kami nina Ella, Ciela, at Rei ang magkakatabi. Agad kaming um-order. Tahimik lang ako at si Ciela na ang nagsabi ng order ko sa waiter para sa akin. Ayoko munang magsalita dahil baka biglang humirit itong si Marco at mabwiset nanaman ako. Nang dumating na ang order namin ay nagkwentuhan lang sila at kumain. Pancake ang sa akin at kape. Ganoon din naman kina Ciela at Rei. Waffles naman ang kay Ella. The rest ay may rice na. Habang naghihiwa ako ng pancake ay agad akong napasimangot. "Hey! I didn't know na may tomboy pala kayong kaibigan." Ani Marco sabay inom sa kape niya. Agad na nagsalubong ang kilay ko. D*MN! AKO BA 'YONG SINASABIHAN NIYA NG TOMBOY?! Masama ko siyang tinignan. Ngumisi lang siya nang makitang nakatingin ako sa kanya. Napailing na lang sina Ally at Cade. Pati ba naman sila?! Sa isip-isip ko ay naibato ko na ang mga kubyertos sa mukha niya at siniguradong sugatan 'yon. Ngunit nagpigil ako. Hahayaan ko muna ang mayabang na 'yan. Basta kapag over the limit na, alam na. Binalik ko ang atensyon sa pagkain ko. Kailangang respetuhin ang pagkain dahil blessing ito ni God. Nag-count one to ten ako. Sinabayan ko rin 'yon ng pag-inhale at exhale. Para naman medyo mawala ang iritasyon ko sa kanya. Hindi kasi maganda kumain nang may kinikimkim na sama ng loob. "Nga pala, after lunch ang alis natin dito. Kayo kuya? Hanggang kailan kayo dito?" Pag-o-open ni Ella ng topic. "After lunch din. Tsaka dito ako magba-bakasyon." Ani Marco. Bakas padin ang yabang sa boses niya kaya naman mas lalo akong nairita sa kanya. Isama mo pa ang maliit na diyamante na kumikinang sa kanang tainga niya. Meron din siyang maliit na piercing na silver ring sa upper part ng tainga niyang iyon. 'Yong may cartilage. Ah basta! Napairap ako. "Magtatagal pala dito ang unggoy na may piercings." Bulong ko. Pero mukhang malakas ata ang pandinig niya kaya napatingin siya sa akin. Nakataas ang kilay ko siyang tinignan. "Oh? Anong tinitingin-tingin mo?" Wala ka pala e! Baka naman bigla kang ma-depress kapag tinarayan kita ng todo diyan? Tss. Sarap niyang tirisin! Umirap siya sakin at nilingon ang mga kaibigan niya. Sige! Lumingon ka pa nang mabali 'yang leeg mong kasing haba ng sa giraffe! Pwe! "Grabe, Nami. Hinay-hinay sa pagtataray. Baka lumuwa 'yang mata mo nang wala sa oras." Ani Ciela kaya naman humagalpak ng tawa si Marco. Tumatawa siya pero nakalingon sa mga kaibigan niya. Malamang sa malamang ay narinig niya ang sinabi ni Ciela. ANONG NAKAKATAWA SA SINABI NI CIELA?! "Tss. Ang isa dito, may sapi na. Tumatawa mag-isa." Parinig ko. Totoo naman eh. Siya lang ang tumatawa dito sa amin. Eh sa nakangisi lang naman ang mga kaibigan niya. Siya lang naman ang maingay dito sa table namin. Oh 'diba! May sapi ang isang 'yan! "I think you need to call a psychiatrist, but if he's worse, Ella? Better look for an exorcist. Tsk. Tsk." Sabi ko habang nagpupunas ng tissue sa bibig. Ngumisi ako. Kita ko ang pagpula niya. "What the hell, woman?!" Sigaw niya. Nagkibit-balikat lang ako. "See? He's mentioning his hometown. He must be missing his friends there." Napangisi si Ella sa sinabi ko. "You brat—" Tatayo na sana siya pero pinigilan siya nina Josh at Cade. Tumayo ako. "Excuse me," tumabi naman si Ciela para maka-daan ako. Naghugas ako ng kamay sa washroom. Natapunan kasi ng maple syrup ang kamay ko kanina. Hindi ako satisfied kahit pa na tinanggal ko 'yon gamit ang tissue. Nandoon parin kasi ang lagkit. Kaya naman naghugas na ako. Matapos kong maghugas ay nakita kong nagliligpit na ang isang lalaki ng mga pinag-kainan namin. Nakatayo na ang mga kaibigan ko kaya naman binilisan ko ang lakad para makaabot sa kanila. Nang makalabas kami sa dining hall ay agad na sumalubong sa amin ang matingkad na kulay asul at berdeng dagat. Naghahalo ang kulay na 'yon kaya mas tumingkad ang kulay. Isama mo pa na pinong white sand ang buhangin dito. "Gusto ko sanang mag-swimming. Kaso tirik na tirik ang araw. Masakit sa balat." Ngumuso si Ella. Kaya naman doon ulit kami sa cabana area. We're facing the beautiful sea of Lealtad. Kalakasan ang ihip ng hangin. May umiikot dito na waiter at nagsi-serve ng free iced tea, kaya naman kumuha kaming lahat. House blend ito. Kaya naman pasok sa panlasa ng lahat. "Nga pala, nakausap mo na si auntie?" Nakanguso si Ciela sa tabi ko. Tumango ako. Tumawag si auntie kagabi. Tsaka ko na sasabihin sa kanya ang nangyari sa'kin kahapon kapag nakauwi na kami. "Pansin ko na nagkaka-initan kayo ni Marco ah?" Tanong niya habang nakataas ang kilay. Nasa dagat parin ang atensyon ko. "Siya ang nagsimula no'n." Umirap ako. Hindi naman ako mataray e. Tsaka lang lumalabas 'yon kapag epal na 'yong tao. Aba! Marunong ako makiramdam ano! "Hmm. If you say so." Aniya. Patuloy lang sa tawanan ang mga lalaki sa likod. "Ci.." Kinalabit ko si Ciela. Agad naman siyang lumingon sa akin. "Pwede mo ba akong samahang mag-ayos ng gamit ko? Kung...okay lang naman sa'yo. Pero okay lang naman kung ako na lang mag-isa kung ayaw mo." Nahihiya akong ngumiti at yumuko. "Tss. You're back to your old self. Tsk, you're shy again!" Napairap siya at naunang tumayo. Tinulungan niya akong makatayo. Hinarap namin ang iilang kasama. Tinuro ni Ciela ang daan kung saan kami. "Guys, samahan ko lang si Nami. Ella, ikaw na muna diyan." Aniya kaya tumango na lang si Ella. Hinila niya na lang ako paalis doon. Tahimik kaming umakyat sa room namin. Si Ciela ang nagbukas ng pintuan at diretsong humiga sa kama. "Hindi ka ba mag-aayos ng gamit mo?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa backpack ko. Hinawi niya amg buhok niya. "Nope. I'm done already." Aniya kaya napatango-tango ako. "Uhm.. Okay." Agad kong inayos ang pagkakatiklop ng mga damit ko. Kahit ang one piece at short na ipinahiram ni Ella sa akin ay tiniklop ko rin at inilagay sa bag niya. Hindi talaga ako makapaniwala na gano'n ang ugali ng kapatid niya. Mariella is kind, sweet, caring and lovely. But he's the exact opposite of her. He's rough, arrogant, dark and freaking intimidating! His eyes were pitch black in color. As well as his damn hair. "Nami.. can I ask you something?" Tanong niya habang inaayos ko ang undies ko. Tumango ako. "Sige lang." Tumikhim siya. "Uhm.. Anong ekspresyon mo nang makita mo si Kuya Marco?" Agad na kumunot ang noo ko sa tanong niya. "You know? Ikaw na lang kasi sa ating apat ang hindi pa siya nakikita, ever since umalis siya papuntang States noong maliliit pa lang tayo." Ngumuso siya. "Of course, I'm shocked. It's my first time to meet a famous model of an expensive clothing brand." I honestly said. Nakita ko ang mga damit na gamit niya sa sampayan doon sa loob ng bungalow house. Gucci, Levi's, at Guess ang naroon. Kahit pa na malayo kami sa kabihasnan ay alam ko ang mga 'yon. Eh 'yon ang bukambibig nina Ella at Ciela. "Nga lang, arogante siya at mataas ang tingin sa sarili." Dagdag ko kaya tumawa si Ciela. "Ang vocal mo naman sa pagka-disgusto mo sa kanya," tumawa lang it siya. Napailing na lang ako. "Kung alam mo lang." * "Is everything good? Wala ba kayong naiwan or something?" Tanong ni Cade nang ilagay namin ang gamit sa likod nitong Hilux niya. "Wala. Everything's fine." Ani Ciela at naunang pumasok sa pickup ni Cade. Sumunod si Ella tapos ako. Si Ally ulit ang nasa front seat. Binuhay ni Cade ang makina at agad na nag-drive palabas dito sa resort. Dinaanan namin ang iilan pang mga stores dito at ibang taniman. Tirik ang araw at damang-dama namin ang lamig na nanggagaling sa aircon nitong pickup. "Nagsaya ka ba sa outing natin, Nami?" Liningon ako ni Ally. There's a playful grin plastered on his face. Nagkibit balikat lang ako. "I don't think so, Al. Lagi silang nagkaka-pikunan ni Kuya Marco." Ngumuso si Ella. Umirap na lang ako. Nakaka-bwiset naman kasi ang kapatid niya e. Binunot ko sa aking bulsa ang analog phone ko. Agad kong tinipa ang keypad para makapag-text kay Auntie Lilian. To: Auntie Auntie Li, pauwi na po kami galing sa outing. Matapos kong itipa 'yon ay agaran kong sinend kay auntie. Wala pang isang minuto ay agad siyang nag-reply. From: Auntie Ok sige. Ingat kayo sa daan ah. Ibinulsa ko ulit ang analog at sumandal sa tinted na bintana ni Cade. Puro sila kwentuhan tungkol sa mga nangyari doon sa resort. May naiintindihan akong kaunti, pero ang ilan ay hindi. Paniguradong wala ako doong noong nangyari ang mga 'yon. "He even smirked sa girl na katabi niya! Hahahaha!" "Oh geez! That's hilarious!" Nangingibabaw ang tawa ni Ella. Lahat ata ay alam niya. All of them loves to socialize and party. Except for me. Given na doon ang pagiging kawalan ko ng oras at pera sa mga galaan nila. Minsan nila akong niyaya papuntang Maynila, pero umayaw ako. Noong una ay gusto ko, siyempre first ko 'yon. Pero no'ng huli ay umayaw na ako. Bukod sa pamasahe, problema ko din si auntie. Wala siyang kasama dito at hindi rin siya pabor sa pagsama ko papuntang Maynila. Binalaan niya ako na malaki ang lugar na 'yon at wala kaming kakilala doon kung sakaling mawalay ako sa mga kaibigan ko. Kaya naman ay humindi ako sa pagsama. Ally and Cade are silent in our group. Pero mas malala ako sa kanila. Like, I'm a ghost or something they can't even feel. Kaya naman ginagawa ko ang makakaya ko para naman makasabay sa kanila. Not that I'm trying hard. But I'm doing my best to join their own trips. "Ang tahimik mo, Nami." Bulong ni Ciela habang abala ang tatlo sa pagke-kwentuhan at tawanan. Umiling lang ako. "Is there something wrong?" Umiling ulit ako. "Wala. Inaantok lang ako, Ci." Napa-ahh siya at tumango-tango na para bang satisfied sa sagot ko. Nagpatuloy ang usapan nila. Hindi parin kami nakakaalis sa hilera ng mga taniman ng iba't ibang pamilya. "I don't know. I'm not sure kung magsi-stay siya dito for good." Ani Ella. "Huh? So bakasyon lang siya dito? I wonder kung anong mangyayari kapag dito na siya sa Lealtad namalagi." Kita ko ang pilyong ngiti ni Cade sa rearview mirror. "Tsk. For sure ay tandem kayong tatlo pagdating sa mga babae." Umirap si Ciela. Tumawa lang ang dalawang lalaki sa harapan. Naiiling akong bumaling sa bintana. "But if Kuya Marco will stay here for good, I'll be very glad." Agad na pumiltik ang tainga ko sa narinig. What the freaking hell?! Dito na mamamalagi ang may sayad na 'yon? Jusmiyo, sana naman ay huwag! Malalim akong huminga. "Paniguradong magagalak ang mga tao sa pagbalik niya dito." Bakas ang kasiyahan sa boses ni Ciela. Are you serious, Ciela?!, napairap nanaman ako sa aking isipan. "Yeah. Isa pa, mukhang siya ang pagkakatiwalaan nina lola at dad sa mga lupain since nasa tamang edad na siya." Dagdag pa ni Ella. "Hindi naman sa gusto kong maka-offend, I'm just concerned kung may alam ba si Marco tungkol sa mga lupain at kung ano pang gawain sa taniman at rancho? You know? Kilala siya bilang isang sikat na modelo sa Maynila. He's a professional when it comes to endorsing and modeling. He's also a part of a movie, right? He's a total performer." I can sense the concern in Ally's voice. Nga naman, he's not a worker in a ranch or even in a plantation. A haciendero, yes. He's freaking rich! He earns money by himself. Naliligo siya sa pera at mga luho niya. So how can he know a thing about farming and ranching? When it's all cameras and mics are surrounding him? When it's all scripts and signature lines are in his head? "I don't know, Al. Daddy and lola's not vocal about that." "I hope he'll take Agribusiness for college. I mean, he is the heir. The successor of your family. He's the one who's going to inherit your family's wealth and properties. He should start by now." Ani Cade at iniliko ang pickup niya. "I hope so," Bumuntong-hininga si Ella. To make things clearly, Ella will also get her own share. Some of their cousins are also interested in farming and ranching. Kaya naman may lupa ding nakalaan para sa kanila. Noong mga bata pa kami ay hiling ko rin na sana ay may ganyan din kami. An extensive plantation of flowers, crops, fruits and others. A wide ranch. Successful businesses. But in the end, all of it was just a dream. We can't have that because it's too expensive. Hubog ng panahon ang pagiging asensado ng negosyo nila. Kung sakaling may ganyan man kami ay buong puso kong mamahalin iyon at aalagaan. I'll help the farmers and the rancheros with their jobs. I want to help them and learn things about how they do it. You know, to experience the scene where I'm running around the plantation of different types of flowers. All my life, in seventeen years of my existence, I experienced all of it with my friends' properties. I'm not jealousof them. Besides, I'm lucky because I got the chance to experience that with my friends. It feels like a fairytale to me. Living in a calm province with true friends and a loving aunt. Where people are all hardworking, determined to give their families a good food and fine clothes to wear for everyday. I'm very amused by their determination. Bukod sa marangal ang trabaho nila, nakakatulong pa sila sa kapwa. "But I'm sure, kuya is very determined to do anything with the things he wants to do or to have." Ani Ella bago huminto ang sasakyan para sa stopover na request ni Ciela. * Isinara ni Ally ang pintuan pagkapasok dito sa pickup. May binili sina Ella na pagkain at nag-cr naman ako. Pagkabalik naming tatlo ay saka lang bumaba ang dalawang lalaki para sa gusto nilang gawin. Alas tres na at medyo tirik ang araw. Maulap ngayon kaya naman hindi gaano masakit sa mata ang tanawin. Nakalayo na rin kami sa hilera ng mga plantasyon at palayan. Nandito na kami sa business area malapit sa boundary ng Arias. "Buti na lang talaga at hindi ako sumabay kina kuya sa pag-uwi." Pagsisimula ulit ni Ella nang bumyahe ulit kami. "Huh? Bakit naman?" Tanong ni Ciela na ngayon ay binubuksan ang Nova niya. Lumingon siya sa akin at sinabing, "Gusto mo?" Umiling ako at ngumiti. Hindi ako mahilig sa mga ganyan e. "Nakasalubong daw nila si Shia kasama ang mga alipores nito. Now, they're in a mall in Arias just to hangout with them because they didn't want to be rude. Ugh. Really?" Umirap si Ella. Pagbigkas pa lang niya ng pangalan ni Shia ay bakas na bakas na ang pagkairita niya. Tsaka, rude? Sila? Ayaw maging rude? I hope hindi kasama si Marco doon. Kasi he's rude since birth! Tsk! "Can't they decline Shia's offer? Or just because she is a girl?! A stupid flirt!" Inis niyang sigaw. "Hey! Easy there, El. It's like he's going to let that girl flirt him. He's not an easy guy, El. Malamang ay naghihintay lang 'yon sa kotse. Besides, he's famous. Malamang ay pagkakaguluhan siya ng mga tao doon kung sakaling magpakita siya in public." Ani Cade kaya mas napairap si Ella. "Parang ikaw lang pala ang dine-describe mo e." Inis na sabi ni Ella kaya naman tumawa lang si Ally. Ilang sandali pa ay lumipat na sa ibang topic ang usapan nila at nakisali na ako. Puro lang kami tawanan at batuhan ng panunukso. "Una niyo akong ibaba, please." Sabi ko nang makitang malapit na kami sa kanto papunta sa amin. "Okay." Tumango si Cade. Tulad ng hiling ko ay ibinaba nga nila ako sa mismong tapat ng bahay namin. Bumeso muna ako sa kanila. Bumaba na rin ako para kunin ang gamit ko sa likod. Ally helped me to put it on the table. Bumalik ulit ako sa may gate at pinanood siyang sumakay ulit. "Thank you sa memories guys! I had fun with all of you kahit pa na inis ako sa kuya mo, Ella," tumawa ako. They all laughed too. "I hope maulit pa ito. Buti na lang at nag-enjoy ako sa outing natin. Good start para sa summer vacation. Thank you ulit and drive safely Cade!" Nag-salute pa si Cade sa akin kaya tumawa ako. "Tsaka mag-ingat kayo ha! Mami-miss ko kayo! I love you all! Ba-bye!" Kumaway ako sa kanila. "Bye, Nami! Take care and we love you too!" Anila at umandar na ang sasakyan. Pinanood ko ang pickup nilang mawala sa paningin ko bago tuluyang pumasok sa bahay. Binitbit ko lahat ang gamit ko na nakapatong sa table papasok. Nadatnan kong pababa ng hagdan si Auntie Lilian. Agad akong nagmano sa kanya at humalik sa pisngi. "Buti naman ay nakauwi ka na. Ano? Masaya ba?" Umupo siya sa sofa dito sa sala. "Opo. Nakakatuwa po silang kasama. Nandoon rin po ang kuya ni Ella na kakarating lang din kaninang umaga." Sabi ko kaya umismid siya. "Ah. Nakauwi na pala." Ani Auntie Lilian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD