Shien NAKANGITI si Shien habang masayang naghihiwa ng mga rekado na ihahalo niya sa lulutuin niyang sinampalukang manok. Pasipul-sipol pa siya habang nakatayo sa harap ng mesa. Isang oras matapos niyang puntahan si Doc Eon sa kwarto nito at sabihan siya na mag stay sa bahay nito. Naging masigla pang lalo ang kilos niya. Natutulog pa din ang guwapong doktor. Pero kahit maaga pa, naghahanda na siya para sa iluluto niyang hapunan nito. Iyong inihanda naman niyang lunch, siya na lamang ang kumain. Nagtira lamang siya ng kaunti. Baka sakaling bumaba si Doc at magutom. Saglit pa siyang nanatili sa pagkakatayo bago matapos sa paghihiwa ng mga sangkap na ihahalo sa lulutuin niya. Itinabi na muna niya pansamantala ang mga rekado at minabuti na lang muna na lumabas ng bahay. May malaking garden

