Shein
MAINGAT na humakbang si Shein papasok sa bahay ni Doc Eon. Sa likod siya dumaan dahil mas madaling mabuksan ang pinto ng kusina nito. Lalo na kung may napa duplicate na siyang susi. Natawa na lang siya sa sariling kalukohan. Matagal na niyang napaduplicate ang susi ni Doc sa kusina nito. Nangyari iyon noong minsang pumunta si Doc sa bahay nila para gamutin ang ama niya. Hinubad nito ang lab coat nito. Kagagaling lang din nito sa ospital kaya naka suot pa ng lab coat. At habang abala ito sa paggamot sa ama niya. Doon niya kinuha ang susi nito para maipaduplicate. Ibinalik lang niya ang susi ng ayain niya ang doktor na samahan siya sa Abby's restaurant.
Marahan ang naging hakbang niya ng tuluyang makapasok sa loob ng bahay ni Doc Eon. Alam niyang magagalit ang binata sa pagpasok niya roon ng wala ang pahintulot nito. Pero isa lang naman ang dahilan niya kaya niya iyon ginawa. Balak niyang isagawa na sa araw na iyon ang pambu-bwesit niya sa binata. Ginanahan kasi siyang bigla dahil wala naman siyang pasok. At alam din niyang walang pasok si Doc Eon. Pahinga kasi nito tuwing araw ng sabado at linggo. Dahan-dahan ulit ang paghakbang niya habang palabas ng kusina. Nang masiguro niyang walang tao sa paligid, nagsimula na siyang umakyat sa hagdan.
Dahan-dahan at walang ingay. Napahinga siya ng malalim ng matagumpay niyang maakyat ang pinakaitaas ng bahay ni Doc. Ang second floor. Luminga siya sa paligid, saka nagsimulang tahakin ang silid ng binata. Napangiti siya ng mabuksan ang pinto ng kwarto ng binata. Bukas iyon at hindi nakalock. Pagpasok palang niya sa loob nanuot na agad sa ilong niya ang amoy ni Doc.
"Hmm..Ang bango naman dito." Ipinalibot niya ang tingin sa paligid. At namangha siya sa mga nakikita.
"Grabe hotel ba'to? Ang ganda." Namamangha pa ding aniya habang nakaawang ang labi na nakatingin sa mga kasangkapan sa loob ng kwarto ni Doc Eon.
Ang ganda ng mga painting, pati na ang malaking tv na nakasabit sa dingding. Ang carpet na tiyak niya na malambot sa paa. At ang king size bed ng binata. Maganda rin sa mata ang kulay ng buong kwarto. Pinaghalong white, black and blue. Sa sobrang pagkatulala niya sa mga nakikita hindi na niya namalayan ang pagpasok ng tao na siyang nagmamay-ari ng silid na basta na lang niya pinasok.
"What are you doing here?" Napakislot siya, at ng lingunin ang doktor seryoso itong nakatingin sa mukha niya. Babatiin sana niya ito habang may ngiti sa labi ng maumid ang dila niya at umawang ang labi dahil sa nakikita niyang itsura nito.
Napalunok siya habang nakatingin sa matitipuno nitong braso at abs. Oh my! Para itong modelo sa isang sikat na magazine. Maraming beses na rin naman siyang nakakita ng mga lalaking nakahubad. Sa dami ng mga male model sa kumpanya nila. Marami talaga ang babaeng maglalaway. Pero sa nakikita niya ngayon, di hamak na mas kaakit-akit at katakam-takam ang katawan ni Doc sa mga male model nila.
"Tinatanong kita, anong ginagawa mo dito?" Saka lang siya napakurap ng marinig ang matalim nitong boses. Lumunok muna siya ng laway bago ito sagutin.
"Eh, pasensya na Doc. Gusto lang sana kitang kamustahin." Nakangiwing sagot niya. Nang tingnan niya ito sa mga mata parang gusto niyang tumakbo palabas ng kwarto nito. Masama ang tingin nito sa kanya habang nakasandal pa din sa hamba ng pinto.
"You visit? Sa pagkakatanda ko Shein wala akong sakit para bisitahin." Mas lalo siyang napangiwi ng mas tumalim ang titig nito. At bago pa man ito makaisip ng bagay para mapalayas siya. Wala na siyang choice kundi ang sabihin dito ang dahilan ng pagpunta niya roon. Handa na sana siyang magsalita ulit ng bigla na lang siyang lapitan Doc Eon. Napasinghap siya at naumid ang dila ng matiim siya nitong tingnan.
"And by the way, paano ka nakapasok dito sa bahay ko?" Seryoso ang boses nito na ikinatawa niya ng mahina. Patay..
"Ahm.. Gumamit ng susi?"
"Wag mo akong pilosopohin." Masungit na salita nito matapos marinig ang sagot niya. Pabiro siyang tumawa habang nakataas ang dalawang mga kamay.
"Hehe..Sorry na Doc gusto lang naman talaga kitang bisitahin. Bukas ang pinto ng bahay mo kaya nakapasok ako. Pasensya na kung hindi man lang ako kumatok. Saka wala akong pasok ngayon kaya balak sana kitang ipagluto, 'yun ay kung gusto mo lang naman." Paliwanag niya na ikina ningkit ng mga mata nito. Sana lang paniwalaan siya nito dahil tiyak na lagoa talaga siya kapag nalaman nitong nagsiisnungaling siya. Buti na lang at hindi nito gaanong pinansin ang sinabi niya, dahil totoo namang gumamit siya ng susi para makapasok doon. Napabalik siya sa wisyo ng dumistansya ito sa kanya.
"Tapos na akong mag breakfast, lumabas kana at iwan mo na ako. Gusto kong magpahinga at ayoko ng may istorbo." Nakahinga na siya at nakabawi ng lumayo na ito. Wuh.. Mabuti na lang hindi ito naghinala na nagsisinungaling siya.
Pero kahit pilit pa siya nitong itinataboy hindi pa din siya umalis ng bahay nito. Sadya siyang makulit dahil kahit sinabi na nito na kumain na ito ng almusal, nagluto pa din siya. Tinimplahan din niya ito ng kape. Nang bumaba ito at magtungo sa kusina. Kulang na lang silaban siya nito ng apoy sa talim ng titig nito. Pero natuwa naman siya ng hindi ito magsalita at basta na lamang umupo sa hapag. Kinain nito ang almusal na inihanda niya. Pagkatapos umakyat na din ito agad sa kwarto nito ng hindi man lang siya nililingon. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na siya nito sinabihan ulit na umalis. Sa paglipas ng ilang oras. Hindi na ulit niya nakitang bumaba si Doc Eon.
Nakaluto na din siya ng lunch nito. Pero hindi pa din ito bumababa. Kaya naman minabuti na lang niya na akyatin ulit ang silid nito. Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang hanggang sa marating niya ang pinto ng kwarto nito. Nang mapatapat siya roon, hindi siya kumatok. Sa halip dahan-dahan niya iyong binuksan. Ipinagpasalamat niya na hindi iyon naka lock. Maingat siyang humakbang papasok. At ng magtagumpay, muntik na siyang mapasinghap ng makita niya si Doc Eon na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama nito habang walang pang itaas na damit. Pigil niya ang paghinga habang lumalapit sa kama nito.
"Doc?" Mahinang tawag niya rito, pero hindi man lang ito gumalaw." Nang akma niya itong hahawakan saka naman ito biglang dumilat.
Nahinto sa ere ang kamay niya habang magkahinang ang mga mata nila ni Doc Eon. At habang lumilipas ang bawat segundo. Unti-unti siyang nahihipnotismo sa titig nito. Ramdam niya ang tagos na pag titig nito sa kanya. Hindi niya maiwasang hindi kabahan dahil sa namumuong emosyon sa kaibuturan ng puso niya.
Umiling siya at pilit na pinaglabanan ang emosyong iyon. Nang titigan niya si Doc nawala na ang kaba niya ng makitang unti-unti ulit nitong ipinikit ang mga mata. Huminga siya ng malalim bago magpasyang tumalikod at lisanin na lamang ang bahay nito. Mukang kailangan nga nito ng pahinga. Pero bago pa man siya tuluyang makahakbang palabas ng kwarto nito. Bigla na lang siyang napahinto ng marinig ang tinig nito.
"Stay Shein..."
Bumilis ang t***k ng puso niya kasabay ng pagsilay ng isang ngiti.
saharazina