Chapter 5

1165 Words
Shein GUSTONG kagalitan ni Shein ang sarili dahil sa mga maling empresiyon na naiisip niya patungkol kay Deo. Nang dumating sila sa Abby's Restaurant. Marami siyang nakita na mabubuting katangian ng binata. Hindi ito mahirap magustuhan kung siya ang tatanungin. Mabait at hindi naman mayabang ang binata. Masarap din itong kausap. Alam niyang magkakasundo sila sa maraming bagay. Pareho sila ng mga pagkaing kinahihiligan. Paburito din pala nito ang maanghang na fried chicken. Natawa pa nga siya ng umorder ito ng lima. Ubusin daw nilang dalawa. Naalala tuloy niyang bigla si Eon. Ang binatang doktor na'yon, na halos mamatay na siya sa talim ng tingin sa kanya dahil pinakain niya ng maanghang na fried chicken. Sobra talaga siyang natawa ng mamula ang mukha ni Doc dahil sa ipinakain niya. Pero kalaunan naging paburito na din nito ang fried chicken sa Abby's Restaurant. Masarap naman kasi talaga lalo na at may kumbinasyon pa ng matamis na sauce. "May gusto ka pa bang order-in?" Napakurap siya sa tanong na iyon ni Deo. Nginuya muna niya ang kinakain saka nakangiti itong inilingan. "Wala na busog na ako." Napangiti naman ito sa sinabi niya. "Masaya ako sa dinner date nating ito. Thank you ulit Shein." Masayang anito, at nahihiya pa siyang tiningnan. Nang mapansin niya na tila may nais itong sabihin, inusisa niya ito. "Bakit? May problema ba?" Kunot ang noo na tanong niya. Alanganin naman itong ngumiti. Pinagsalikop nito ang kamay saka iyon ipinatong sa mesa. Halata niya ang kaba sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Shein, alam kong kalabisan na 'yung ipapakiusap ko. Pero, pwede bang kumain ulit tayo sa susunod. Kahit hindi bukas. Kung saan may libre kana lang na oras." Kabadong salita nito na ikinatango niya. Sus! 'Yun lang pala! "Sige ba, okay lang naman sakin." Masayang sagot niya na ikinatuwa nito. "Tara eat?!" Masayang aya niya na muling sumubo sa hawak na manok. Sabay pa silang natawa ng mapabuga sila dahil sa anghang ng kinakain nila. Nakakaaliw talaga ang araw na iyon para kay Shein. Dahil saglit niyang nakalimutan ang misyon niya na pangitiin si Doc Eon. **** Rocket PINAGPAPAWISAN na si Rocket, pero nasa pasiyente pa din ang buong atensiyon niya. Hindi siya pwedeng mawala sa focus lalo na at may sakit sa puso ang pasiyente niya. Delikado ang operasyon dahil may tama ng bala ang isang bahagi ng dibdib ng pasiyente. Tatlong oras na siyang nasa loob ng operating room. Todo ang pag-iingat niya na matanggal ang bala sa dibdib ng pasiyente. Kung saan hindi maapektuhan ang puso nito. Naramdaman niya na may nagpunas ng pawis niya sa noo. At ng lingunin niya kung sino, nakangiting mukha ni Marika ang nasilayan niya. Hindi na lamang niya ito binigyang pansin hanggang sa matapos siya sa ginagawa. Naging matagumpay naman ang operasyon. Paglabas niya ng OR. Sinalubong agad siya ng mga kaanak ng pasiyente. "Doc, kamusta po ang anak ko?" "Doc, ayos lang po ba sya?" Tipid niyang nginitian ang mga ito. "Maayos na po sya." Tipid din na sagot niya na ikinatuwa ng mga ito saka ilang ulit siyang pinasalamatan. Matapos magbilin sa assistant nurse niya. Nagpaalam na siya sa mga ito at sunod namang nag rounds sa iba pa niyang mga pasiyente. Gabi na ng makauwi siya ng bahay. At tulad ng inaasahan. Naroon na naman si Marika sa harap ng bahay niya. "May utang ka sakin na dapat bayaran." Maangas na salubong nito sa kanya. "Ang alin? Ang pagpunas mo ba sa pawis ko?"Walang buhay niyang tanong matapos ay lumapit siya sa dalaga. "Sa pagkakatanda ko, hindi ka allowed na pumasok sa loob ng OR. Kung malalaman nila yo—Naputol ang sinasabi niya ng bigla itong sumabat. "Oo na oo na! Pero pwede ba ilabas mo na si Keejel!" Umiling siya at hindi ito pinansin. Nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng bahay niya. Pero nararamdaman niyang nakasunod si Marika sa kanya. Pagod siya kaya wala siyang panahon na makipag-usap sa dalaga. Nakapasok na siya sa loob, nang sabay nilang marinig ang halinghing na nanggagaling sa kusina. S*it! "Sabi ko na nga ba!" Galit na salita ni Marika, matapos ay nagmamadali na itong pumasok sa loob ng kusina. Pambihira! Mukang hating gabi na naman siyang makakatulog. Ang akala pa naman niya nasa isang bar ngayon ang kapatid niya? Mukang ang bahay niya ang ginawa nitong motel. Puno ng inis niyang inihilamos ang kamay sa mukha. Mapapatay talaga niya si Keejel kapag may isa mang nabasag na gamit sa kusina niya. Binili pa niya lahat sa England ang mga kasangkapan niya sa bahay. Napabuga siya ng marahas bago sundan si Marika sa kusina. Hindi na siya nagulat ng makita niya ang dalaga na walang habas na hinahampas ang kapatid niya, na panay naman ang iwas gamit ang mga kamay nito. Sa itsura ni Marika, hindi malayong makapanakit ito. Nag aapoy ang mga mata nito sa galit habang pilit na inaabot ang babae ng kapatid niya na pilit namang hinaharangan ni Keejel. "Walang hiya kang babae ka! Ang lakas ng loob mong makipagtalik sa fianceè ko! Halika dito ng makalbo kitang haliparot ka!" Napailing na lang siya ng muling sugurin ni Marika ang kapatid niya. At dahil nakakaramdam na din ito ng sakit sa ginagawang pag atake ng dalaga. Napaatras ito ng kaunti dahilan para tuluyang maabot ng dalaga ang babae ng kapatid niya. "Marika!" Sigaw ng kapatid niya ng sabunutan ni Marika ang babae na panay lang ang iyak. At dahil nagsisimula ng sumakit ang ulo niya sa nasasaksihan, hindi na niya napigil ang pagtaas ng boses niya. "Magsilayas kayo sa pamamahay ko! Get out all of you!" Saka lang tumigil ang mga ito. Matalim niyang tinitigan ang kapatid na may pagmamadaling isinuot ang mga saplot nito sa katawan. Kilalang-kilala nito ang ugali niya. Oras na sumigaw siya, ibig sabihin niyon galit talaga siya. At matindi siya kapag nagagalit. Gumilid siya sa pintuan ng kusina ng tumakbo palabas ang babae ng kapatid niya. Umiiyak pa ito habang balot ang sarili ng mga pinaghubaran nitong damit. Si Marika naman ay matalim na nilingon si Keejel na parang maamong tupa na tumingin sa dalaga. "Babaero ka talaga! Kung gusto mo palang ilabas 'yang kalibugan mo, bakit naghahanap ka pa ng iba! Ano bang tingin mo sakin? Isang isip bata na walang alam sa s*x! Letch* ka! Kaya ko din 'yung ginagawa nya sayo kanina g*g*!" Matapos iyong sabihin ni Marika nag martcha na ito palabas. Pero ng mapadaan ito sa kinatatayuan niya, liningon pa muna siya nito bago matalim na nagsalita. "May kasalanan ka din sakin!" Umirap ito sa kanya na ikinapikit na lang niya ng mariin. Nang magmulat siya ng mga mata matalim niyang tiningnan ang kapatid. "Ayusin mo ang problema mo, hindi kana bata Keejel. Kapag ginulo lang ako ni Marika dahil sa kataranta*uhan mo, patay ka talaga sakin!" Hindi na niya hinintay ang isasagot nito dahil tumalikod na din siya at pumanik sa silid niya. Pagod siya at gusto na niyang magpahinga. saharazina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD