Chapter 5

2112 Words
Makalipas ang ilang buwan ay napagdesisyonan na nina Dylan at Nine na magsama sa iisang bahay. Gusto niyang matutukan mabuti ang pagbubuntis ni Nine lalo na’t isang buwan na lang ay manganganak na ito. Lihim niyang niligawan ang dalaga dahil gusto niya na magsama sila hindi dahil sa nagpapanggap sila kung hindi dahil mahal na nila ang isa’t-isa. Mahal naman na niya talaga ang dalaga. Sa pagkakaalam ng mga magulang nila ay nag-propose na siya sa dalaga pero ang totoo ay hindi pa dahil palabas lang nila ‘yon. “Good morning, beautiful preggy,” bati niya kay Nine nang makapasok na ito sa kusina. “Breakfast or me?” Natawa na lang ito sa biro niya. Kumindat siya dito. “Just kidding.” Lumapit siya dito saka inalalayan ito sa pag-upo. “Careful...” Pinagsilbihan na niya ito. Nilagyan ng pagkain ang pinggan, milk for pregnant woman. Kahit na nagsasama na sila ni Nine sa iisang bubong, magkatabi sa iisang kama ay ni minsan ay wala pangnangyari sa kanila dahil nirerespito niya ito. Alam niyang hindi niya ito pwedeng galawin dahil buntis ito at mas lalong alam niyang hindi pa handa ang dalaga. Kahit pa mag-boyfriend-girlfriend na sila ay alam niyang hindi pa siya gano’n kamahal ng dalaga. Pinag-aaralan din naman niya itong mahalin at unti-unti na nga siyang may nararamdaman dito. Hindi mahirap mahalin ang dalaga lalo na’t mabait ito at nakikita niya na magiging isa itong mabuting ina sa magiging anak nito. “SERYOSO ka na ba talaga dito, Dylan?” naninigurong tanong ni Wyatt habang nakatingin sa singsing na binili ni Dylan para kay Nine. “Papakasalan mo talaga siya? Akala ko ba ay palabas lang ang tungkol sa kasal?” Ang mga kaibigan niya lang ang nakakaalam sa sekreto nila ni Nine pero syempre bago niya sinabi sa mga ito ay nagpaalam muna siya sa dalaga at pumayag ito dahil alam nitong mapagkakatiwalaan nila ang mga kaibigan niya. Pinakilala niya sa mga ito ang dalaga at tanggap naman ng mga kaibigan niya ito maliban nga lang kay Wyatt na ayaw sa naging desisyon niya. “I mean, wala namang problema kung papakasalan mo talaga siya pero, Dude, buntis siya at...” lumapit ito sa kanya saka bumulong. Natatakot ito na baka may ibang makarinig sa sasabihin niya. “hindi ikaw ang ama. Aakuin mo talaga ang bata na hindi naman sa ‘yo, na hindi mo naman pinaghirapan?” Napailing siya habang nakangiti dito. “That child is mine, Wyatt. At oo, aakuin ko ang bata. Please, Dude, huwag mo nang sasabihin na hindi sa akin ang bata. Ayaw kong may ibang makaalam. Baka may makarinig sa ‘yo at malaman ng mga magulang ni Nine. That would be a big problem to us.” Ininom nito ang alak na nasa baso niya. Napabuntong-hininga ito. “I’m sorry, okay? Gusto ko lang kasi na malaman na sigurado ka na talaga sa desisyon mo. Hindi basta-basta ang pagiging ama.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Naging ama ka na ba?” Sasagot na sana ito pero biglang itiniklop ang bibig dahilan para ngangahan niya ito. “Hindi pa, ‘di ba?” Nginiwian lang siya nito saka tumingin siya kina Aiden at Zaver. “Dude, masaya ba ang maging ama?” “Yeah. Malilikot pero masaya,” sagot ni Zaver. “Promise, Dude, nakakawala sila ng pagod,” sabi naman ni Aiden saka uminom ng alak. “See? They are very happy being a father.” Umikot ang mga mata ni Wyatt. “Totoong masaya sila dahil anak naman talaga nila ‘yon. Iyon...” hindi na nito natapos ang sasabihin nang panliitan niya ito ng mga mata. "Whatever!" "Masaya ako kahit hindi ako ang totoong ama ng bata, Wyatt. Tatanggapin ko siya at ituturing na anak ko. And besides, pwede naman kaming gumawa ni Nine paghanda na siya.” “Mahal ka ba niya talaga? Baka naman ginagamit ka lang niya.” “Alam mo ang nega mo. Isa na lang talaga at itatakwil kitang kaibigan ko.” Tinapik nito ang balikat niya. “Basta kapag kailangan mo ng advice ay nandito naman ako para bigyan ka ng alak.” Napailing na lang siya. “Akala ko ay bibigyan mo ako ng advice.” Tumawa naman ito. “Alam mo naman na wala akong kaalam-alam diyan, eh.” “Wala nga. Pati nga problema niyo mag-asawa ay wala kang magawa, eh.” Biglang umasim ang mukha nito saka inubos ang alak na nasa baso nito. “Nandito nga ako para kalimutan ang away namin ni Amazona tapos ipapaalala mo pa siya sa akin. Basag trip ka, Dude.” “Speaking of Amazona,” napatingin sila kay Zaver. “Andiyan na ‘yong asawa mo, Wyatt, sinusundo ka na.” “Sh*t! Aalis na ako.” Inubos pa nito ang alak niya bago nagmamadaling umalis. Napapailing na lang siya dahil wala na tuloy laman ang baso niya. Lumapit sa kanila si Madison. “Ang matino kong asawa?” Natawa naman siya. Hindi na siya magtataka kung bakit amazona ang tawag ni Wyatt sa asawa nito dahil tingin pa lang ay nakakatakot na. Bakit kasi hindi na lang ito magbago para naman maging peaceful ang marriage life nito? “Umalis na, eh. Nagtatakbo nang makita ka.” Tinuro niya kung saan dumaan ang kaibigan. “That jerk. Sige, alis na ako.” Nagpaalam na ito sa kanila. “Gago pa din talaga ito kaya hindi maayos-ayos ang buhay may asawa, eh,” kumento ni Zaver. “Bakit hindi na lang niya ako tularan? Nagbago na kasi may pamilya na.” “Oo, magbabago ka talaga kasi kapag hindi ka pa nagbago ay iiwan ka na naman ni Sky, at kapag nangyari ‘yon ay iiyak ka na naman and worst baka magpakamatay ka na talaga,” sabi naman ni Aiden. “Gago ka, ah!” Nagtawanan naman sila nang napanguso ito. Napatingin siya sa relong pambisig. “Oops... It’s time to go home now. Naghihintay na sa atin ang mga asawa natin.” Sabay-sabay na silang nagsitayuan para magsiuwian. Nakatayo na sila sa mga kanya-kanya nilang sasakyan. “See you next weekend.” Nagkawayan na sila sa isa’t-isa. Tuwing Sunday ay nagkikita at nagsasama pa din silang magkakaibigan. Wala nga lang ngayon si Ice dahil nasa ibang bansa ito. Nangako sila na kahit may mga asawa na sila ay magkikita pa din sila kaya kahit patago kay Wyatt ay pumupunta pa din ito. Hindi naman sa pinagbabawalan ito ni Madison, sadyang nagtatago lang ito ngayon sa asawa. Alas nuwebe na nang mapagdesisyon nila na umuwi dahil ‘yon ang curfew nila. Hindi na din naman nila kailangan na magtagal dahil hindi na sila kagaya noon na magtatagal sa club dahil hindi na nila kailangan mag-abang pa ng mga babae dahil may mga sari-sarili na silang mga babae sa buhay nila. Nang makapasok na siya sa bahay ay patay na ang ilaw. Hindi na siya nag-abala na buksan ang ilaw dahil hindi naman gano’n kadilim ang paligid. Dumiretso na siya sa kwarto nila ni Nine na nasa first floor lang. Pansamantala muna sila dito hanggang hindi pa nanganganak si Nine. Mahihirapan kasi ito sa pag-akyat-baba ng hagdan dahil malaki-laki na ang tiyan nito. Babalik din sila sa kwarto nila sa taas kapag nanganak na ito. Nang buksan niya ang pinto ay napakunot-noo siya nang makita niya si Nine na gising pa habang nakatingin sa tablet. “Hey, there, beautiful Preggy.” Lumapit siya dito saka humalik sa pisngi nito. “Bakit hindi ka pa natutulog? Alam mo naman masama sa buntis ang magpuyat and the radiation...” tumingin siya sa tablet nito. “What’s that?” “Well, hindi pa kasi natin naaayos ang nursery room ng baby. Dahil sa hindi naman tayo makapag-shopping dahil malaki na ang tiyan ko at pinagbawalan mo akong maglakad.” Nakanguso siyang tumingin dito. “Iyon ang advice ng Doctor sa ‘yo.” Minsan kasi na naglalakad sila sa mall para sana bumili ng mga gamit ng bata ay biglang sumakit ang tiyan nito kaya kaagad niya itong dinala sa hospital. Pinayuhan ito ng Doctor na huwag mo nang masyadong maggagalaw dahil baka bigla itong mapaanak ng maaga. Ngumiti ito sa kanya saka hinaplos ang pisngi niya. “I know, kaya nga napagdesisyonan ko na lang na sa online mag-shopping ng mga gamit ni Dyne.” “Well, if that’s makes you happy, then go for it.” Hinalikan niya ito sa buhok dahilan para mapangiti ito. “Alam ko din naman na gusto mong ikaw ang pumili ng mga gamit niya.” Napanguso ito dahilan para magtaka siya. “Hindi ko lang alam kung magkakasya ba ang pera ko. Wala naman kasi akong trabaho tapos...” “Hey, hey... You can use mine. Nasa sa ‘yo naman ‘yong isang atm ko, ‘di ba?” Tumango ito habang nakanguso pa din. “You can use that.” Umiling-iling ito. “I can’t.” Tinaasan niya ito ng kilay at tiningnan nang nagtatanong. “It’s your money, Dylan, not mine.” “Magkasama na tayo dito, Nine. This child is mine, remember?” Hinaplos niya ang tiyan nito. “This is our daughter kaya tama lang na gumastos ako para sa anak natin. Mas magtatampo ako kapag ni isang kusing ay wala akong nailabas para sa prinsesa natin.” “Thank you, Babe. You’re the best.” “I know, right.” Hinalikan niya ito sa buhok saka tumayo. Pumasok siya sa banyo para mag-toothbrush dahil ayaw niyang maaamoy siya ng dalaga na amoy alak. Makakasama pa naman ‘yon sa buntis. Nang matapos ay lumabas na siya. Hinubad na niya ang damit para magpalit ng pantulog. “So, how’s your bonding with the boys?” “Well, okay naman. They are still fine.” “Ayaw pa din ba sa akin ni Wyatt?” Napatigil siya sa ginagawa at napatingin dito dahil sa sinabi nito. “Come on, Babe. Alam kong ayaw sa akin ni Wyatt.” “He said that to you?” Lihim na niyang pinapatay sa isip si Wyatt dahil baka sinabi nito sa dalaga ang mga sinasabi nito sa kanya. “No. Wala siyang sinabi sa akin.” Pinanliitan niya ito ng mga mata at tiningnan nang hindi naniniwala. “Hindi nga, I promise.” Itinaas nito ang kanang kamay nito na tila nanunumpa. “Hindi niya sinabi pero nararamdaman ko. Mas madaling makaramdam ang mga babae kaysa sa mga lalaki and I feel it that he don’t like me for you.” Napabuntong-hininga na lang siya saka kinuha ang damit saka sinuot ito. “Don’t mind him. He’s just a jerk.” “He’s just being your friend, Babe. He was just protecting you.” Ngumiti ito sa kanya. Hindi na siya nagsalita dahil may punto naman ito dahil kahit gano’n kagago ang kaibigan niyang ‘yon ay maasahan naman nila ito. Kapag may kailangan sila ay gagawin kaagad nito ang lahat para lang makatulong sa kanila, may kasama nga lang kalokohan. But all in all ay okay ang kaibigan niyang ‘yon. Tumabi siya sa kama. “I know, pero sana...” napabuntong-hininga na lang siya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “It’s okay, Babe. I understand him. Ayaw niya lang na mapahamak ka, masaktan, and besides, hindi naman talaga madali na tanggapin na ang kaibigan niya ay mag-aasawa ng buntis na hindi naman niya anak.” “You know what?” Napapikit siya nang mariin. “Naiinis na akong marinig na paulit-ulit ang mga salitang ‘yan.” “Ang alin?” nagtataka nitong tanong. “Ang mga salitang hindi ko anak ‘yang dinadala mo,” sabi niya sabay tingin sa malaki na nitong tiyan. “Pero totoo naman kasi.” Napatayo na siya at napasuklay sa sariling buhok. “I hate that. So, please, can you stop telling me those words.” “I’m sorry.” Napabuntong-hininga na lang siya saka bumalik sa pagtabi dito. “I’m sorry kung napalakas ang boses ko." "No, I should be the one saying sorry.” Napaiyak na ito dahilan para lumambot ang puso niya. Pinunasan nito ang pisngi niya. Napailing na lang siya sa sarili dahil dapat hinabaan pa niya ang pasensya niya dahil alam niyang mabilis lang umiyak ang dalaga. “Kung kaya ko lang na gawin na ikaw ang maging ama niya ay gagawin ko. I want you to be her father.” “I am her father, Nine.” Niyakap niya ito. “Please, huwag na natin pag-usapan ang tungkol dito. Ako ang ama niya at wala ng iba pa. That’s period.” Tumango ito at niyakap siya pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD